Apat na Bihag ng Maute, Nakatakas sa Pamamagitan ng Paglangoy.




Fresh News:
Kinailangang langoyin at tawirin ng 4 na lalaking hostage ang halos isang kilometro ng Lake Lanao upang makatakas sa pagkakabihag sa grupo ng Maute sa Marawi City madaling araw  noong Byernes, Agosto 4.

Ayon sa mga bihag, mga dalawampung kabataang myembro ng grupo ang nagbabantay sa kanila nung mga oras na bihag sila sa digmaan sa syudad.
Nabanggit din ng mga hostage na nakita nila ang isa sa lider ng grupo na si Omarkhayyam Maute, habang sila ay hawak at tinatago mga ng mga ito, ngunit hindi nila Nakita si Abu Sayyaf Commande, Isnilon Hapilon.
Ayon sa isang ulat noong Sabado, matapos tumakas sa grupo, maswerteng nakahanap ng paraan ng komunikasyon ang mga bihag at tawagan ang Philippine Navy sa syudad ng Zamboanga. Nagawa nilang maitago ang isang cellphone at gamiting  paraan upang makatakas at humingi ng tulong.
Nailigtas ng Philippine Navy ang mga bihag nung Agosto 4 matapos tumakas at lumangoy.
Ayon sa isa sa mga hostage, "Hindi nila (Philippine Navy) kaya lapitan kami kasi nandon 'yung .50 caliber. Sabi ko hanggang saan ba kayo susunduin kami, sir? Gitnaan? Parang dito na lang talaga kami hihintay. Parang mahirap talaga. Ayun naglangoy kami ng 1,000 plus meter. Hanggang umabot kami doon,"
Una ng nabanggit ng mga militar na malakas ang kanilang paniniwala na hanggang ngayon ay buhay pa rin ang magkakapatid na Maute, kabilang sina Abdullah, and Abu Sayyaf lider, Isnilon Hapilon.

Source:  ALG, GMA News

Kailan nga kaya matatapos ang kaguluhang ito sa Marawi?  Sana ay mas marami pang kababayan natin ang mailigtas sa lalong  madaling panahon.

Comment your thoughts. Hit like and Share the article.
Please follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates


No comments:

Post a Comment