Fresh News:
Sinigurado ng Armed Forces of the Philippines
(AFP) ang publiko na hindi nila
hahayaan na mayroong anomalya or illegal activities na maganap sa kanilang
institusyon lalo ang kanilang mga myembro.
Isang report ang lumabas mula sa
Philippine National Police (PNP) na umanoy kasangkot ang isang Military General,
at syang nagbibigay proteksyon sa mga Parojinog. Dahil dito, ang AFP ay
nagsagawa na ng paunang imbestigasyon.
Determinado ang military na malaman kung
sino ang hinihinalang Narco General upang
siguraduhin kung nakapwesto pa ba ito or retiro
na.
Ayon kay AFP- Public Affairs Office
chief Col Edgardo Arevalo, iimbestigahan nila ang alegasyon, ngunit naniniwala
syang wala sa sinumang myembro nila ang sangkot sa ilegal na droga. Ngunit kung tama ang alegasyon, pinapangako
nilang hindi kailanman kukunsitihin ang
General at agad mananagot sa batas at tatanggalin sa pwesto.
Dagdag pa ni Arevalo, ”Gen. Año, our chief of staff, immediately ordered the
investigation upon learning this information. If this alleged general is
already retired, we would have no control over that. But we are still
conducting validation and information check if there are among our active
members who are involved in illegal drugs.”
“The AFP will not allow anyone among our ranks
to be involved in illegal drugs. Once we confirm that a member is dependent on
illegal drugs, he will go through the process or summary dismissal proceedings,
the AFP will not tolerate this,” said Arevalo.
Ano sa tingin nyo kapwa Pinoy? Meron nga kayang mas
malalaking taong sangkot dito?
Comment your thoughts. Hit like and Share the
article.
Source: UNTV News & Rescue
No comments:
Post a Comment