#JusticeForKian: Sigaw ng Masa

Kian's mother and  classmates' cry for  justice.

FreshNews: #JusticeForKian ang nanguna na trending topic ngayon sa social media, kabilang dito ang mga artistang nagparating din ng pagkalungkot at dismaya sa pagpatay sa menor de edad na si Kian Loyd Delos Santos, 17 taong gulang na sinabing sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan.

Ayon sa mga pulis, kinailangang barilin ang binata sapagkat ito ay nanlaban at bumunot ng baril. Mariing pinabulaanan naman ito ng mga saksi at kitang-kita sa isang kuha ng CCTV ang isang eksena kung saan hawak at hinihila ng mga pulis ang bata, isang ebidensya na hindi ito nanlaban.

Sa barangay officials na din ng nasabing lugar mismo nanggaling na hindi kabilang si Kian sa kanilang “watchlist”.


Ang komedyanteng si Ethel Gabison mas kilala bilang Ethel Booba, ay nagparating ng kanyang mensahe para sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Delos Santos. Binigyan nya ng bagong kahulugan ang salitang “fafda”, (isang twitter incident/blooper na kumalat noong August 18 na gawa ng Communications Department)






"Fafda is an acryonym for: Fulis Are Failing Due Action. This tweet was made after what happened to 17-year old Kian De Los Santos. Charot!" Ethel Booba tweeted.




Mas seryoso naman ang tweets ng mga bloggers na sila Camille Co and Bianca Gonzales na kinondena and pangaabuso ng mga pulis at nakisimpatya sa pamilya ng biktima.




Ayon kay Gonzalez, “Yung puso ko nadudurog kasama ng magulang ni Kian. Ganito nalang ba lagi? Yung napapatay, nagiging statistic nalang? #JusticeForKian,"





Sabi ni Co, "It's sad that we fear our police force for all the wrong reasons. They're supposed to protect us, not the other way around. #JusticeForKian,"

"What do these policemen get? They lose their jobs. That's it. But what about the victim? The loved ones he left behind? #justiceforkian," dagdag nya. 




Kinwestyon ni Co ang mga awtoridad na imbes na unahing sugpuin ang mga drug lords na mas maimpluwensyang mga sindikato, bakit ang malilit ang tinatarget.


Ang ibang mga celebrities naman ay nagpaabot ng saloobin at pagtataka kung bakit parang wala ng pakialam at tila nasanay na ang iba sa nagaganap na pangaabuso ng pulisya at patayan.






"It's hard to wrap my mind around the fact that people are okay with murder because their leader says it is okay," tweet ni Miss Philippines International 2017 Mariel De Leon.






“I am VERY angry. They killed this young boy. If you are, EXPRESS IT. We cannot allow our country to be ruled by evil. #JusticeForKian," ayon sa singer na si Jim Paredes, isa sa mga kritiko ng Pangulo.


Nagpaabot at nagpakita din ng dismaya ng ilang netizens at nakiisa sa online movement na himihiling ng #JusticeForKian







Hindi pa nagkokomento ang Pangulo sa insidenteng ito ngunit nauna ng sinabi ng kanyang takapagsalita na ang pagpatay sa 17 anyos na binata ay isang unusual at isolated na kaso at pinapangako nila na may masusing imbestigasyon ang magaganap sa pangyayaring ito.


Source:  ABS-CBN News




Mga kilalang personalidad nakisimpatya sa pagkamatay ng menor de edad na si Kian.

Panawagan sa Mahal na Pangulo na mabigyan ng hustisya ang binata at dapat managot ang may sala. 


Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates. Thank you!

No comments:

Post a Comment