Kay Duterte nga hindi ako natatakot, sa kanya pa? Trillanes on Gordon

Senator Gordon (left). Senator Trillanes (right). Photo grabbed from Google. Credits to the owner



Fresh News: Sinabi ni Senator Antonio Trillanes na hindi sya natatakot na harapin ang posibleng “ethics case” laban sa kanya na isasampa ni Senator Richard Gordon dahil sa mainit na argumento at pagtatalo nila sa Senado.

Sa isang panayam ng mga reporters, tinawag umano ni Trillanes na “mass murderer” si Pangulong Rodrigo Duterte at ayon sa kanya, “Sa 'kin, go ahead. Hindi ako matatakot diyan. Kay Duterte nga hindi ako natatakot, sa kanya pa? Sa ethics case pa? Hindi ba?”

“Sayang oras niya diyan. Tatakutin niya ako, gawin na lang niya. Tingnan na lang natin kung ano ang kalalabasan,” dagdag nya.

Nagsimula ang mainit na pagtatalo ng dalawang senador ng akusahan ni Trillanes si Senator Gordon (Chairman of Committee) sa ginagawa daw nitong pagaabswelto sa mga taong sangkot sa P6.4-billion shabu na galing China.

Tinawag nyang “committee de asbwelto.” ang nangyayaring pagdinig sa kaso at marami na di umano ang dismayado sa paraan ng imbestigasyon dito ni Senator Gordon.

Sabi ni Trillanes na hindi makakakuha ng suporta si Gordon sa iba pang Senador laban sa kanya sa reklamo nito.

“Swerte na siya kung makakuha siya ng tatlo o apat na pipirma diyan. Kung naniniwala siya na majority pipirma, then he has lost touch doon sa pulso ng mga snador,” Aniya.

Mariin nyang pinangangatawanan na wala syang ginawang hindi tama or walang modo sa pagdinig sa kaso sa Senate blue ribbon committee.

Kung meron man daw syang nagawa, ito ay saktan lamang ang “ego” ni Senador Gordon.

Pinaiimbitahan ni Trillanes si Pangulong Duterte, anak nitong si Paolo Duterte (Vice Mayor ng Davao) at manugang ng pangulo na si Manases Carpio, asawa ni Mayor ng Davao na si Sara Duterte, ngunit ito ay hindi sinangayunan ni Gordon.

Ayon kay Gordon, iimbitahin lamang nya sina Paolo Duterte at Manases Carpio kung may malinaw at direktang ebidensya sa mga ito.

Hindi umano sya nagaakusa ng mga tao ng walang sapat na ebidesya.

Sabi ni Senator Gordon, “The moment he says, ‘Ako nakausap ko si Paulo at sinabi ko sa kanya tulungan mo ako’ at sinabi niya ‘Tutulunga kita, bibigyan kita ng pera.’ Swak na 'yun. Ito sinabi lang, mga tao ito ni Paolo, Davao Group 'yan,”

“Hindi tayo nag-co-convict ng tao without evidence,” dagdag nya.

Ikinagalit ito ni Senador Trillanes at sinabing hindi dapat tinatratong “sacred cow” ang mga sangkot.

“Pwede kasing nagpapapogi [si Gordon] or may hinihingi or natatakot or talagang nakikinabang. Marami-raming reasons. I won’t speculate. Bahala na 'yung taongbayan kung ano 'yung totoo doon,” Sabi ni Trillanes

Mariin namang sinabi ni Senador Gordon na itutuloy nya ang “ethics complaint” laban kay Trillanes.

Ayon kay Gordon “He has done that consistently. I already forgave him the first time. He even came to my office and apologized then he did it to Mr. Zubiri. Then he was trying to do it to Cayetano, he was trying to turn off the microphone,"

“I’m sorry hindi lahat ng araw sa’yo,” mariin nyang idinagdag.

Sinabi din ni Senador Gordon na hindi na lamang nya pinapansin ang kanyang mga kritiko ukol sa paghawak nya ng kaso at imbestigasyon sa isyu ng P6.4-billion shabu shipment sa blue ribbon committee.

Hindi umano sya agad nagbibigay ng reaksyon sa mga paninira sa kanya lalo na kung wala naman pinanggagalingang malinaw na ebidensya ang mga ito.

Sinabi nya sa isang panayam, “Bakit, sino ba kinakatigan ko? Bakit, do I owe Duterte anything? Do I owe anybody there anything?”

“Please do not judge. Look at my record, I’ve gone against presidents of the Philippines,” pagtatapos nya.


Source: GMA News



Wala talagang kinatatakutan ang taong walang kaluluwa.

Sa tingin nyo mga ka-DDS, kanino kaya matatakot ang taong ito? Ano o sino kaya ang dahilan ng kanyang katapangan at lakas ng loob?


Comment your thoughts. Like and Share the article


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates. Thank you!




































































No comments:

Post a Comment