Mga Empleyado ng BOC Nawalan ng Moral Dahil sa Isyu ng Korapsyon







Umapila sa publiko ang Bureau of Customs (BOC) na huwag naman sana lahatin at idamay ang lahat ng kanilang empleyado sa isyu ng korapsyon.
Mahigit dalawang libong empleyado ng BOC na umanoy myembro ng Bureau of Customs Employee’s Association (BOCEA) ang nasaktan ang moralidad dahil sa bintang na tiwaling gawain laban sa kanilang ahensya.
Ayon kay Remy Prinsesa, National President ng BOC, ang kanilang mga empleyado ay matitino at nagtrarabaho ng tama ngunit sa nangyayaring mga alegasyon, sobrang bumaba na ang kanilang mga moral sa sarili.
Sinabi pa nya na sa kabila ng mga kontrobersyang lumalabas, patuloy ang kanilang suporta sa kanilang Commisioner na si Nicanor Faeldon matapos ang paglabas nito sa publiko at sa sinisimulang transpormasyon at pagbabago sa ahensya.
Nakiusap din si Dr. Manuel Jacinto, 25 years medical officer ng BOC na huwag na sanang magpapalit-palit ng lider ang kawanihan sa halip magusap at magisip ng solusyon upangg maisayos nila ang kanilang mga trabaho. 

Aniya, huwag naman husgahan ang karamihan kung may ilan mang nasangkot at napatunayang may kasalanan. "Trabaho lang, walang personalan".
Ninanais naman ni Commisioner Faldon na malinis ang kanyang ahensya at maalis ang panghuhusga sa mga inosente at tapat na empleyado.








Source: UNTV News and Rescue

Mga kapwa Pinoy, ilan nga kaya at sino-sino ang tiwali sa sinasabing isa sa pinaka-corrupt na ahensya sa bansa?
            Comment your thoughts. Like and Share the article
Please follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates.



No comments:

Post a Comment