Mga Pari VS VACC sa Libing ni Kian Delos Santos





Fresh News: Nabahiran ng tensyon ang libing ni Kian delos Santos noong Sabado, Agosto 26. Nagpablotter ang mga miyembro ng VACC (Volunteers Against Crime and Corruption) matapos umanong tabigin at hatawin ni Father Robert Reyes ang kanilang tarpaulin.

Ayon kay Dante Jimenez, founding Chairman of VACC, ang sumbong sa kanya ng mga miyembro ay, “Sila daw ay binully ni Father Robert Reyes at hinataw pa raw yung mga tarpaulin nila.”

Nagpadala pa ng larawan ang VACC ng tarpaulin bago umano tinabig ng Pari pero ito ay itinanggi ni Father Robert Reyes at ng kanyang kasamahan. Pinauurong lang daw nya ang mga grupo sa likod ng karo ni Kian upang maiwasang gawing circus ang libing ng binata at mapanatili ang kaayusan dito.

“Wala po akong tinatabig, kaya hindi po kami naghihiwalay ni Father Flavie, kaya siguro makikita nya kung meron akong tinabig.” Saad ni Father Reyes

Sabi naman ni Father Flavie Villanueva, "Wala akong naalala na tinabig o merong karahasan na nangyari”

Isa ang simbahan sa mariing tumututol sa extra judicial killings kaugnay ng pinaigting na anti-drug war ng pamahalaan.

Sa homily sa misa ni Bishop Pablo Vergilio David, Diocese ng Caloocan, ibinunyag nya na marami pa ang Kian sa kanilang lugar.

Ayon sa kanya, “Marami sa kanila hindi nagsasampa ng kaso, maraming mga saksi ang hindi tumestigo dahil sa takot na baka sila naman ang balikan at mawalan din ng anak. Pakiusap po itigil na ang patayan"



Source: ABS-CBN News



Simbahan, kakampi nga ba o kalaban? Para sa hustisya o sa sariling kapakanan?

Ano sa tingin niyo mga Ka-DDS?



Comment your thoughts. Like and Share the article


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates. Thank you!






No comments:

Post a Comment