Pagbitiw sa Puwesto ni BOC Commissioner Faeldon, Tinanggap na ni Pangulong Duterte.


BOC Commissioner Nicanor Faeldon's Statement


Fresh NewsMadalas ay isang taon at anim na buwan lamang tumatagal ang isang commissioner ng Bureau of Customs (BOC) at sa ibat-ibang kadahilanan sila ay nagreresign at hindi raw inutos magresign.

Nung isang gabi, inanunsyo ni Pangulong Dutere ang pagtanggap nya sa resignation ni outgoing customs Commissioner Nicanor Faeldon, na nagtagal lamang sa panunungkulan ng isang taon at magdadalawang buwan.

Tatlong beses na daw itong lumapit sa Pangulo upang ipahayag ang nais na pagbibitiw sa tungkulin. 

At ayon sa ating Chief Executive, katiwalian sa BOC ang dahilan sa pagbitiw sa pwesto ni Faeldon.

Ang kasalukuyang Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Undersecretary Isidro Lapeña ang napiling bagong Hepe ng BOC, kapalit ni Faeldon, habang si PNP Region 3 Regional Director Chief Superintendent Aaron Aquino naman ang papalit sa naiwang pwesto ni Lapena.

Ayon kay Pangulong Duterte, “The Bureau of Customs has a rotten system, you need somebody to have a system, a new one, and a competent military man can do it, just like General Lapeña, kaya nya yan and General Lapeña enjoins my confidence and trust which is very important.”

Sa inilabas naman na pahayag ni Faeldon,sinabi nito na para sa kabutihan ng bansa ang pagalis nya sa pwesto. 

Nagpasalamat din sya sa lahat ng sumuporta sa BOC sa panahon ng kanyang panunungkulan at hinikayat na suportahan ng mga ito ang napiling bagong Commissioner.

“My relief from my post is the best for our country. I urge everyone to continue to support the reform agenda and the development programs of the President.”, aniya.

Samantala, maaalalang sa unang panayam ni Faeldon sa programang “Get it straight with Daniel Razon, noong Oktubre 17, 2016, sinabi nito na hindi sya magreresign dahil sa pressure ng mga gustong magpabagsak sa kanya.

Kung mawala man sya sa pwesto, isang bagay lamang ang dahilan nito, sinipa at pinaalis na sya ng Pangulo.

Tanong ni Razon “So meaning to say pagnawala kayo sa Bureau of Customs kinickout na talaga kayo ng Presidente?”

“Oo,” sagot ni Commisioner Faeldon, “If the president asks me, Nick, time to rest. Pero kung sila lang, No.”, madiin nyang sinabi.

Sabi ni Razon, “So hindi po dapat ako maniwala kapag halimbawa nadinig ko sa balita na nagresign kayo for health reason, or personal reasons, hindi ako dapat maniwala don, dapat isipin ko ay sinipa yan?”

“Oo sinipa ako.”, pagtatapos ng Commisioner.







Source: UNTV News



Nagbitiw ba talaga ng kusa o sinipa?

Ano sa tingin nyo mga kapwa Pinoy?

Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates. Thank you!




No comments:

Post a Comment