![]() |
Pangulong Duterte, Dinalaw ang mga Kapit-Bahay na Nasunugan. (photo credit: Rappler) |
Fresh News: Mahigit apat na daang
pamilya ang nabiktama ng sunog kaninang 3:30 ng madaling araw, Miyerkules, Agosto 16, 2017 sa Barangay 645, Zone 67, San
Miguel Manila, malapit sa Palasyo ng Malacanang.
Isang
mabuting kapitbahay ang dumalaw sa mga nasunugan at ito ay walang iba kundi ang
ating Mahal na Pangulo.
Mula
sa Malacanang, pagkatapos ng kanyang trabaho, dumirecho si Pres. Duterte upang bisitahin at magpaabot ng tulong sa kanyang
mga kapitbahay sa San Miguel, distrito ng Maynila, na nawalan ng tirahan dahil
sa naganap na sunog kaninang umaga.
Nasa apat na daang
residente at biktima na nasa loob ng simbahan ang nagulat ng pumasok ang ating Pangulo
na nakasuot pa ng barong mula sa palasyo patungo sana sa airport upang lumipad
patungong Davao City.
Siya ay nagabot ng tulong
pinansyal, limang-libong piso bawat pamilya at kahon ng relief goods na naglalaman
ng pagkain at gamit sa pantulog at mahihigaan.
Nagbiro pa nga ang ating Presidente sa isang lalake
habang inaabot ang relief goods, aniya “ Mabigat!
Pera pala 'yan"
Sa harap ng altar,
pinangako ng ating mahal na Pangulo na
hihingin nya ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)
upang tiyakin na mabigyan sila ng pagkain sa araw-araw habang hindi pa sila
nakababalik sa kanilang mga tahanan.
Bago
sya nagpaalam at umalis sa lugar,
nagkaron pa ng pagkakataon ang mga residente na magpakuha ng litrato kasama ang
Pangulo ng bansa.
Ninais
sana ng ating Pangulong Duterte ang pagbisita ng mas maaga sa mga biktima ng
sunog ngunit may mga kinaailangan lang
tapusin na ibang obligasyon sa trabaho. Kaya naman ng matapos ang lahat ng ito
at bago umalis sa Maynila patungong Davao, sinigurado ng Pangulo na kamustahin,
dalawin at ipaabot ang pagmamahal at tulong mula sa isang mapagkumbabang lider
ng bansa at mabuting kapit-bahay.
Source:
Rappler.com
"Sapagkat siya ang
kapit-bahay, kapit-bahay nyo, na laging handang tumulong sa inyo..”
Saludo kami sa iyo Mahal
naming Pangulong Duterte! Mabuhay ka!
Comment your thoughts. Like and Share the article
Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for
more Fresh News and Updates
No comments:
Post a Comment