House Speaker Alvarez to CHR Chairperson Gascon: "Hingin nya sa Kriminal!"

House Speaker Pantaleon Alvarez. (Photo credit to the Speaker's staff)


Fresh News: Matapos ibinaba ng House of Representative ang budget para sa Commission on Human Rights (CHR) sa isang-libong piso (P1,000) marami na ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon ukol dito. Mayroong mga hindi pabor at nagtanong kung ano ang nagyari ngunit marami din ang sumangayon sapagkat diumano ay hindi ginagampanan ng ahensya ang kanilang trabaho ng maayos.

Isa na dito ang pagpili sa kung ano at sino ang kanilang proprotektahan. Nasabing ang kanilang pinagtutuunan ng imbestigasyon ay yun lamang kampanya laban sa droga ng Pangulong Duterte, ngunit nanatiling tahimik at walang pakialam sa mga biktima ng terorista at drug addicts.

Kinwestyon din ni Alvarez ang ginawa ng ahensya sa Mamasapano massacre kung saan 44 na Special Action Forces ang napatay ng grupo ng Muslim kung saan walang salita mula sa kanila ang narinig. Nasaan ang hustisya sa pangyayaring iyon?

Ngunit sabi ng CHR, hindi nila obligasyon na magsalita ukol sa lahat ng nangyayaring krimen sa bansa, bagkus ay layunin nilang protektahan ang karapatang pantao laban sa pangaabuso ng awtoridad, may kapangyarihan at gobyerno.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi karapatdapat si Chito Gascon sa puwesto at hinihiya nya lamang ang kanyang sarili sa pananatili sa pwesto sa kabila ng hindi maayos na pagganap sa kanyang obligasyon sa trabaho.

Sinabi ni Alvarez na hindi tama at walang karapatan si Gascon na humingi ng budget sa Kongreso dahil hindi nila mapanindigan at magawa ng maayos ang kanilang trabaho.

"Sinasabi ko sobrang kapal naman ng mukha niya. Alam niyo kung sinasabi na ng karamihan na hindi niya ginagampanan yung trabaho niya, hindi niya ginagawa, eh dapat mahiya ka na," Ayon kay Alvarez.

Dagdag pa nya nung Biyernes ng tanungin kung saan manggagaling ang pasweldo sa CHR kung walang budget, "Hingin nila sa kriminal!".

Hindi din diumano sila agad papayag kung ano man ang imumungkahi ng Senado ukol sa "budget" ng human rights sa kabila ng banta ng mga senador na ipaglalaban nila ang nararapat para sa ahensya.

Huwag din daw mapalagay agad ang CHR na sa Senado manggagaling ang desisyon.

"Very presumptuous naman yan, na papayag kami na basta ganun na lang", sabi ni Alvarez.

Dagdag pa nya na kailangan nilang magusap ng Senado ukol sa mga detalye ng nasabing "budget" at magkasundo sa ibat-ibang bersyon.

Noong Biyernes, nagkasagutan si Alvarez at Senator Ralph Recto ukol sa isyu. Isa si Recto sa sumusuporta sa pagdagdag ng nasabing budget.

Ani Alvarez, pwede namang gamitin ng Senador ang sarili nitong pera upang mapondohan ang ahensya..

"Eh dagdagan niya ng pera niya kung 'yon ang gusto niya," sabi ng tagapagsalita.

Sinagot naman ito ni Recto ng, "Relax lang." at sinabing naniniwala sya sa pahayag ng Pangulong Duterte na hindi ang pangulo ang nagutos sa binibigay na budget. Dagdag din ng Senador na gusto nya lamang mapagtibay ang lahat ng institusyon ng Gobyerno kasama na dito ang CHR.

Hindi din dapat matakot ang Gobyerno na bigyan ng suporta ang ahensya sapagkat ayon sa CHR, ang mga legal na kaso ng krimen at patayan ay hindi state-sponsored.



Source: Philstar.com



Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!


No comments:

Post a Comment