Jinggoy to CHR, "Why visit took so long?"

CHR Chairman Gascon & Former Senator Jinggoy Estrada (Photo credit to GMA network)

Fresh News: Matapos pansamantalang makalaya sa tatlong taong pagkakakulong, hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Commission on Human Rights (CHR) sa diumano ay pagbisita sa kanila ng ahensya na kailangang tumagal ng tatlong taon bago naisagawa.

Noong Sabado, matatandaang nakalabas na si Estrada matapos itong makulong sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. Siya ay nakalaya matapos magbigay ng piyansa na nagkakahalaga ng P1.3 milyong piso.

Ito ay dahil sa pagpayag ng Sandiganbayan sa kanyang "omnibus motion" na mabigyan ng pansamantalang kalayaan ngunit mananatiling sangkot pa din sa "plunder case" at "pork barrel scam" at magpapatuloy sa pagharap sa paglilitis.

Sa isang panayam ngayong Lunes, naglabas ng hinanakit si Jinggoy Estrada sa CHR at sinabing binisita lamang sya ng mga ito matapos ang tatlong taon samantala ng makulong si Senador Leila de Lima, wala pang isang buwan ay nabisita na ng komisyon.

Aniya, "When the CHR people visited us sa Crame, I resented their visit. After three years ngayon lang kayo pupunta? Samantalang 'yung babae sa kabila, wala pang isang buwan nandiyan na kayo?"

Sa isang panayam, sinagot naman ito ni CHR Chairman Chito Gascon at sinabing hindi sila namimili ng pagbisita sa sino mang nakakulong na personalidad at sinabing dalawang taon pa lamang sya sa ahensya.

Ayon kay Gacson, "'Yung pagbisita kay Senator Leila of course dahil ako na po ang Chair that time at naganap ito under circumstances na sabihin natin na, sa pananaw ko po eh hindi sang-ayon sa standards ng human rights. Inalam ko 'yung kanyang kalagayan at dahil nu'ng pagpunta ko doon sa Custodial Center ay napag-alaman na nandiyan din po ang dalawang senador,".

"Sa sumunod na pagkakataon kami naman po ay kinumusta 'yung sitwasyon nila. So nahuli man 'yung pagbisita ng Commission on Human Rights sa kanila dahil sabi nga three years siya doon, ako po two years pa lang ako namamahala sa Commission on Human Rights. Hindi po 'yun ang pakay ng komisyon," dagdag niya.

Madiin din nyang sinabi na mandato silang bumisita sa mga "custodial centers" at lugar ng piitan at ang kanilang pagaalala sa mga nakakulong dito ay pantay-pantay lamang, ngunit mas lalo ang kanilang pagaalala sa mga nasa kulungan na may masamang kondisyon.

"Mandato po namin na magbisita ng lahat ng custodial centers at places of detention, at 'yung concern namin kay Senator Jinggoy at Senator Revilla sa conditions nila sa jail, ganon din ang concern namin kay Senator de Lima at mas higit pa 'yung concerns sa iba pang detention places na napakasama na ng condition," Ani Gascon,



Source: GMA News, gmanetwork.com



Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

No comments:

Post a Comment