September 21, a "Day of Protest" -PRRD

President Rodrigo Duterte (Photo credit to Inquirer.net)

Fresh News: Sinabi ng Pangulong Duterte na idedeklara nya ang September 21, hindi bilang holiday kundi bilang Araw ng Protesta. (Day of Protest) at lahat ng gustong magprotesta ay may kalayaang makilahok.

Ito ay sa kabila ng banta ng multisectoral group na, Movement Against Tyranny na diumano ay magsasagawa ng malawakang rally sa araw na nabanggit. Ito ay gaganapin sa Luneta Park kasabay ng ika-45th anibersaryo ng Martial Law.

Sa isang panayam sinabi ng ating pangulo, "September 21 is not a holiday. I have declared it as a day of protest. Lahat ng gusto pa magprotesta laban sa gobyerno, laban sa pulis, military, lahat, magbabaan kayo riyan,"

Wala pang nilalabas na pormal na dokyumento ang Malacanang patungkol sa "day of protest" ngunit sinabi ni PRRD na idedeklara nya ang kanselasyon ng klase at trabaho sa Gobyerno sa araw na ito.

Sinabi din ng Pangulo na magproprotesta din sya laban sa Gobyerno dahil sa natatanggap nilang mababang sweldo at kakulangan ng kagamitan.

Biniro din nya ang mga taga media na tumatanggap ng mababang pasahod na maglabas din ng hinaing laban sa kanilang mga kompanya at employers at makilahok sa protesta.

"Pati media, kayong underpaid sa media, hindi binabayaran nitong mga — itong mga kuripot," he said in jest.

Nauna ng sinabi ng Pangulo ang tungkol sa plano na mass movements at wala namang problema sa kanya na sila ay magsagawa ng protesta basta mapanatili ang katahimikan at walang sinumang masasaktan.

Ngunit kung magiging marahas ang magaganap na rally, hindi sya mag-aatubiling gumamit ng pwersa para sa kapakanan ng karamihan.


Source: GMA News. gmanetwork.com



Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

No comments:

Post a Comment