Taguba, Nilinis ang Pangalan nina Paolo Duterte at Carpio

Mark Taguba sa imbestigasyon sa Senado. (Photo Credits to Inquirer)


Fresh News: Humarap noong Biyernes si customs fixer, Mark Ruben Taguba II sa Senado at binawi ang paratang sa anak ni Pangulong Duterte na si Paolo Duterte (Davao City Vice Mayor) at sa manugang ng pangulo na si Manases Carpio, asawa ni Sara Duterte (Davao City Mayor).

Sinabi ni Taguba na hindi umano sangkot ang dalawa sa smuggling ng 6.4 billion shabu na nagmula sa China na ilegal na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) at nakapasok sa bansa.

Si Taguba ay isa sa mga sangkot at nasasailalim sa imbestigasyon dahil diumano ay katulong sya sa illegal na transakyon. Nauna na nyang pinabulaanan na may alam sya na merong droga sa kargamento.

Matatandaan na isang hiwalay na imbestigasyon ng Senado at ng House of Representatives sa isyu ng 605 kilo shabu shipment ang ginawa at nasabing isa sa mga kasabwat at nagpadali ng ilegal na transaksyon sa BOC ay ang "Davao Group" kung saan nasangkot ang pangalan ng anak ng Pangulong Duterte at ng manugang nito.

Kahapon, himingi ng paumanhin si Taguba kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at lawyer na si Manases Carpio ukol sa “fake news” na nagdawit sa kanilang mga pangalan sa illegal drug shipment sa BOC noong Mayo.

Himingi rin sya ng tawad sa buong pamilya ng Pangulo at sinabing hindi sya kailanman tumestigo at tetestigo na si Paolo Duterte at Carpio ay sangkot sa ilegal na droga sa bansa at kabilang sa “tara system” na nagaganap sa BOC.

Ito ay pagbawi nya sa nauna nyang pahayag sa Senado kung saan ay binasa nya ang palitan nila ng "text messages" ng dalawang miyembro ng Davao Group na nagdamay sa pangaln ng pamilya Duterte.


Sabi nya, “I am making this statement to clear Vice Mayor Paolo Duterte and Atty. Manases Carpio from any involvement in the shipment of illegal drugs into the country, and any anomalies in the Bureau of Customs,”

I also hereby apologize to Vice Mayor Duterte, Atty. Carpio and to the first family for the proliferation of fake news arising out of my testimony at the Senate yesterday.”

I wish to categorically make it clear that: 1. I had never testified, nor will I ever testify that Vice Mayor Paolo Duterte and/or Atty. Manse Carpio were involved in the shipment of illegal drugs into the country. Neither have I testified, nor will I ever testify that the aforementioned individuals were involved in the ‘tara system’ that was in place at the Bureau of Customs,” Aniya.

Samantala, nauna ng dinepensahan ni Pangulong Duterte ang kanyang anak at manugang at sinabing naniniwla sya na hindi sangkot ang mga ito sa droga, ngunit kung mapatunayan man na isa sa mga ito o kahit sino sa kanyang mga anak ang may kinalaman sa pinagbabawal na gawain, kusang loob syang bibitiw sa pagkapresidente at bababa sa kanyang pwesto.

Kung meron man magpapakita sa kanya ng ebidensya or mas mabuting kung merong video na magpapatunay na tumanggap sila ng pera at sangkot sa korapsyon, sya ay magreresign.


Sinabi nya sa isang talumpati noong Biyernes sa anibersaryo ng Eastern Mindanao Command in Camp Panacan “If you can present evidence that they are into corruption, better yet if there is a video of them receiving money, then I would resign,”.

When the time comes that you think I am fooling you, you are free to advise me to step down or I myself would step down,” sinabi sya sa hukbo.

Mariin nya ring idinagdag na ang mga alegasyon ni Senador Antonio Trillanes, isa sa kanyang mga kritiko simula pa lamang ng kanyang pangangampanya, ay pawang mga “basura” lamang at wala ni isa man na napatunayan ang Senador sa mga bintang na ito.


Source: Inquirer.net



Ngayong nalinis na ang pangalan ng pamilya ng ating Pangulong Duterte, Ano na naman kaya ang susunod na maitim na balak ng mga kalaban? 

Kung ano man yon mga kababayan, nakahanda tayong lumaban at suportahan ang ating mahal na Pangulo.

Tandaan: "Evil is powerless, if the Good are unafraid".

Ano ang masasabi nyo kapwa Pinoy at ka-DDS? Another cold slap in the face of the enemies? 


Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Updates. Thank you!














No comments:

Post a Comment