‘Triad tattoo’ ni Pulong, Trending sa Social Media

Davao Vice Mayor Paolo Duterte in Senate hearing (Photo credits to PHILIPPINE DAILY INQUIRER)


Fresh News: Naging sanhi ng katuwaan at tuksuhan si Senador Antonio Trillanes matapos itong hindi magtagumpay sa hamon nyang ipakita ni Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ang diumano'y tattoo nito sa likod.


Noong Huwebes sa pagdinig ng Senado sa kaso ng ilegal na pagpasok ng droga sa bansa mula China, Sinabi ni Trillanes na mayroon “Dragon Tattoo” si Pulong sa likod na magpapatunay na sya ay myembro ng isang “Asian Crime syndicate” o “Triad”. Sinabi din ni Trillanes na mayroon umanong mga numero sa tattoo na maaaring ma”decode” ng US Drug Enforcement (US DEA)


Mula noong Huwebes, naging tampulan na ng katuwaan at nagtrend sa social media ang nasabing tattoo na ito ni Pulong.


Isa sa mga nagpost ang kapatid ni Vice Mayor Paolo na si Mayor Sara Duterte.


Nagpost si Mayor Sara ng isang tattoo sa likod na nagpapakita ng imahe ng kabayo, tigre at alamid.


Photo credits to Instagram & Mayor Sara Duterte's instagram account.


Trillanes and USDea. Paki Decode. Please.” “By the way, thank you Edwin Miraflores for the triad tattoo.”, ang caption ng post. At dinagdagan pa dito ni Mayor Sara ng hashtag na # trillanesdecode


Ang nasabing post na ito na larawan ng tattoo ay shinare ng mahigit isang libong beses at nakakuha ng mahigit 13,000 likes at 1,500 comments na karamihan ay tattoed followers.


Samantala sa kanyang Instagram account, di na din napigilan ni Vice Mayor Pulong na magpost ng kanyang larawan ng isang lalake na may tattoo sa likod. Ang tattoo ay isang dragon na may nakakatawang imahe.


Photo credits to Instagram & Vice Mayor Paolo Duterte's Instagram account.


Ito ay may caption na “O sige na lang oi … mamugos man mo … kana katong wala pa koy bil bil!!! (Fine … you’re persistent … that was when I still didn’t have belly fat).”


Marami ding Netizens ang nagpost na kanya kanyang nakakatuwang tattoo na binase sa imahe ng mga dragons. Mayroong Japanese Anime na ”Dragon Ball”, mayroon din “Dragon Fly”, “Tweety Bird” at “Minnie Mouse”


Nakisali din sa biruan at katuwaan ang Triathlon Association of Davao (Triad), at nagpost ng kanilang “disclaimer” sa Facebook na nagsabing “Official Statement: We would like to categorically state that Vice Mayor Paolo Duterte is not a Triad member.”

Photo credits to Facebook & the owner of the Facebook account


Samantala mayroong nakapagsabi na mayroon talagang tattoo si Vice Mayor Pulong ngunit ito ay hindi dragon na tulad ng pinipilit ni Trillanes.


Ang tattoo daw ay isang imahe ng isang “Chinese philosopher na si Lao Tzu or Laozi. Mayroong nakusalat dito in “Chinese characters” na nagsasabing "To stand tall between heaven and earth and live without shame or regret.”


Source: Inquirer.net



Thank you for the entertainment Senator Trillanes! Nakakatawa naman talaga ang mga kaganapan sa Senado dahil sayo.

Suko ka na ba o may kasunod pa?

Kayo mga kapwa Pinoy at KA-DDS natawa din ba kayo sa sobrang inis kay Trillanes?


Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!




No comments:

Post a Comment