Pagkakaisa, Hiling ni Baste at Mayor Sara

Davao City Mayor and Presidential Daughter Sara Duterte nanawagan ng Pagkakaisa. (Photo Credit to Philstar.com) 


Fresh News: Sa gitna ng dibisyon sa politika ng mga kapwa Pilipino, nanawagan ang mga anak ni Pangulong Duterte na sina Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte na sana ay magkaroon na ng pagkakaisa ang sambayanan.


Ito ang kanilang pahayag sa naganap na rally kaninang umaga sa inilunsad na Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines na may layuning magtipon ng suporta sa kampanya ng gobyerno tulad ng rehabilitasyon sa Marawi.


Sinabi ni Baste Duterte na hindi nakakatulong sa bansa ang pagaaway-away at wala itong patutunguhan. At imbis na magtalo ay magkaisa na lamang upang tulungan ang bansa sa pag-unlad.


Pare-pareho naman tayong Filipino lahat so kung mag-aaway tayo na hindi naman productive… wala namang maitutulong sa bansa natin ‘yun diba so anong punto noon?" Aniya.


Dagdag pa ni Baste, “Kaysa mag-away tayo, ba’t ‘di na lang tayo magkaisa para tulungan ‘yung bansa natin?"

Pinamunuan ni Mayor Sara ang paglunsad ng alyansa na binubuo ng tatlumpung (30) grupo ng Pro-Duterte sa lahat ng dako ng bansa.


Hangad ng alyansa na makatulong sa Pangulo na masagot ang kanyang mga kritiko at maipamahagi ang mensahe ng pagkakaisa at dedikasyon sa serbisyo at pagkakawang-gawa.


Ayon kay Mayor Sara, naniniwala sya na may karapatan ang mamamayan na di-sumangayon sa gobyero batay sa kanilang sariling pananaw. Parte ito ng demokrasya. Ngunit kung ang di-pagsangayon ay pawang paninira lamang, ay kailangang matigil ito.


Sabi niya ay ibang usapin na kung pawang kasinungalin ang mga paratang na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng pag-asa ng bansa.


It is a different matter altogether if you lie just to oppose and paint to the world a sad and hopeless Philippines,” Ani Mayor Sara


Sinabi nya din na tao lamang ang ating Pangulo, hindi man perpekto ngunit ito ay palaban. Dagdag nya na meron na lamang tayong anim na taon upang samantalahin ang pagkakataon sa pagiging agresibo ng Pangulo upang makamit ang mas maunlad na bansa.


Our President is human, very imperfect, but hes a wrangler. We only have 6 years to take advantage of his aggressive spirit, and use him to create a better future for our country. We should all rally behind our government and focus on the task of turning this country into a globally competitive player in the region,” dagdag nya.


Nakiusap din ang Mayora sa mga taga-suporta at kritiko ng Pangulo na magkaisa, payagan at tanggapin ang pagbabago.




Maluwag ding tatanggapin ng magkapatid na Baste at Sara ang magkakaibang opinyon ng taga-suporta at oposisyon ngunit nanawagan sila na magkaisa para sa bansa.


Ani Mayor Sara, ang pagkakaisa ay magsisimula sa pamamagitan ng pagtulong na labanan ang terorismo, ibangon muli ang syudad ng Marawi at pagtuunan ang kahirapan na naging sanhi ng problema sa ilegal na droga.


Pakiusap din ng Mayora na isantabi muna ang pansarili at personal na interes tuwing may bagong Pangulo. Maging positibo at magkaisa para sa ikauunlad ng Pilipinas.


Set aside our personal politics that has torn our country every time we have a new President. Make our respective groups, a positive voice in our communities. Let us stand together for our country,” Ani Mayor Sara.



Source: Philstar.com



Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment