Para sa mga Kritiko, Pangulong Duterte, Pinirmahan ang Bagong "Drug War Memo"

Presidential spokesman, Ernesto Abella (Photo credit to Manila Bulletin)

Fresh News: Inamin ni Pangulong Duterte na pinirmahan nya ang bagong "anti-drug war memorandum" upang masiyahan at makuntento na ang kanyang mga kalaban sa politika, lalo na ang mga kritiko sa kanyang laban kontra sa droga dahil daw sa pagtaas ng mga nasasawi sa ilaim ng kampanyang "Oplan Tokhang"


Ayon kay Ernesto Abella, tagapagsalita ng palasyo, ang pagpirma ng memorandum na ito ng ating pangulo ay nagpapatunay lamang kung gaano ka-demokratiko ang pangulo at nagpapakita na siya ay handang makinig sa mga Pilipno.


Ani Abella, pinagutos ito ng pangulo upang maging komportable na ang mga kritikong nagiisip na mali ang kanyang kampanya laban sa droga. Na kung mas makabubuti ang ibang paraan at proseso ay susundin ng pangulo ang ibang mungkahi sa ikatatahimik ng lahat.


He gave the directive in order to accommodate, apparently to accommodate those who think the campaign against drugs should be conducted otherwise,” sabi nya habang nasa Mindanao Hour/Bangon Marawi press briefing kahapon.


Sinabi din daw ng pangulo, ani Abella, “And this is saying, ‘You know if this is the way to go, that you feel more comfortable to go this way, then let’s go that path,'”


Nabanggit din ng tagapagsalita na isinaalang-alang din ng pangulo ang mas mababang numero ng nasasawi na mga suspek ng droga at kinatawan ng kanyang hukbo noong ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humahawak at nagsasagawa ng operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.


The PDEA for example, has lesser deaths, under lessened death-related operations. So he says if this seems to be more accommodating to the mood of the times, then let’s see how it goes,” Sabi ni Abella.


Kung sa pananaw umano ng iba ay mas katanggap-tanggap ang PDEA sa pagasikaso at pagsasagawa ng kampanya laban sa droga, susundin nya ito at antayin na lang ang resulta kung mas makabubuti ito.


Sabi ni Abella, “If the perception is that PDEA would be more acceptable in doing the campaign, waging the campaign, then let’s see how it goes. That was the tenure of the President’s statement,”


Noong Oktubre 10 pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang sinasabing memorandum at pinagutos sa
Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at iba pang ahensya na itigil muna ang pagsasagawa ng kanilang operasyon kontra droga.


Sinabi din ni Abella nasusuya na ang pangulo sa mga reklamo at emosyonal na ito sa mga pangyayari at sigurado ang tagapagsalita na ang desisyon na ito ng pangulo ay pinagisipan nyang mabuti at may basehan.


Aniya “I’m sure that the President has allowed his full range of emotions but he’s making decisions regarding that. He was backed up by facts and figures, right? He pointed it out. He’s very much aware of the facts and figures,”

Itinanggi naman ni Abella na ang pagpirma na ito ng pangulo sa memorandum ay upang mapagtakpan ang sinasabing maling paraan ng operasyon ng PNP sa ilalim ng "Oplan Tokhang".


I think that’s presumptive to think it’s a graceful cover up. No, it’s simply a response to a situation. If it were a business, it’s a corporate decision,” Ani Abella.




Samantala, noong Huwebes, ipinahayag ni Pangulong Duterte na nalulungkot sya kung paanong maliitin at husgahan ng mga kritiko nya ang kampanya ng gobyerno laban sa droga at ang pagkamatay ng kanyang hukbo ay parang balewala kumpara sa mga napapaslang na masasamang loob at "drug addicts".


Sinabi nya din na kung may mangyaring hindi tama sa operasyon at hindi na naman magustuhan ng karamihan, huwag naman sana syang sisihin muli sapagkat ginagawa nya naman ang lahat upang masolusyonan ang problema ng droga sa bansa.


When something not to your liking is happening, do not look at me. Praise the bleeding hearts. Kasi ginawa ko na talaga lahat” sabi ng pangulo.


Dagdag din ni Abella na tiwala si Pangulong Duterte na magagampanan ng PDEA ang kanilang tungkulin. Ito ay sa kadahilanan na din sa matagal ng pinagsamahan ng pangulo at ni PDEA Director General Aaron Aquino.


Sabi nya, “They (Duterte and Aquino) have known each other for 22 years. And so regarding trust, I imagine there is a modicum of trust there,”


Malakas ang paniniwala ni Pangulong Duterte na tutuparin ng PDEA ang tungkulin lalo na matapos ang matagumpay na operasyon ng ahensya na nanguna sa pagdakip kay Aniceto Lopez Jr., Maasim, Sarangani Mayor,  na sangkot din sa kaso ng pinagbabawal na gamot at sumuko kay Senador Manny Pacquiao noong nakaraang linggo.


Gayun paman, hinihingi ng palasyo ng Malacañang na bigyan ng publiko ng sapat na panahon ang PDEA upang maisaayos at makapaghanda sa mas mabigat at malaking responsibilidad na ito.


Ano mang pangunahing kampanya ay nangangailangn ng sapat na oras kaya antayin na lang daw umano ang mga susunod na pangyayari.


Any major campaign would require a period of adjustment so let’s see how it goes,” pagtatapos ni Abella.



Source: news.mb.com



Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

2 comments:

  1. I think its a wrong decision to end the war on drug by the PNP. If the decision is based on the nuisance from complaints of these destabilizers whose aim is to topple the presidency, you are not listening to the voice of your supporters who comprised the majority! Haven't you heard of the saying, "A shallow river runs the noisiest". Mr. President its not doing this country any good by being soft and balat sibuyas. I cant understand that you continue to be callous and oblivious to the destabilizing attempts on your position. Dont rely so much on our undying support, make the move for the good of the country and those who believe in you. You have the ultimate weapon to make this country great as what Lee Kwan Yew had said "Philippines have too much democracy bordering on anarchy" Place the whole country under REVGOV and move fast with your programs of change. Afterall, we trust you and your good governance for better lives to all of us Filipinos! Mabuhay ka.

    ReplyDelete
  2. tuwang tuwa na naman ang mga politiko na kasbawat sa illegal drug business ...
    unahin kaya ang mga politiko na nagprotikta sa drug business.. kung kailnagan meron isakripisyo para sa ikaunlad ng ating bayan gawin na sana ng ating gobyerno...

    ReplyDelete