Sa Kabila ng Pagbaba ng Ratings, Mahal pa din ng mga Pilipino ang Pangulo - Malacañang

Presidential spokesperson Ernesto Abella. (Photo Credit to Philstar.com)


Fresh News: Sa kabila ng pagbaba ng halos "double-digit" ni Pangulong Duterte sa "trust and satisfaction ratings", naniniwala ang palasyo ng Malacañang na mahal pa rin ng mga Pilipino ang Pangulo.


Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Ernesto Abella, kadalasan umano na ang "trust and satisfaction ratings" ng mga pinuno ng bansa ay bumababa matapos ang mahigit isang taon na panunungkulan, ito ay nagpapahiwatig na tapos na ang kanilang tinatawag na "honeymoon period".


Diin ni Abella, "These things usually happen. This is traditionally happening after a year, a year and a half, and you know, the love is still there."

Paliwanag din ng tagapagsalita na ang pagbaba ng "level of satisfaction and trust" sa pangulo ay nangyayari dahil nagsimula ng timbangin ng publiko ang kanilang mga inasahang pangako laban sa
kanilang mga nakita matapos ang isang taon at mahigit na panunungkulan ng lider ng bansa.


Sabi ni Abella na ilan sa publiko sa panahon ng "honeymoon period" na ito ay mataas ang inaasahan sa gobyerno at kung hindi matupad ang kanilang hiling ay magreresulta ng pagbaba sa survey. Gayunpaman, sa pangkalahatan, madami pa din ang nasiyahan at kuntento sa serbisyo ng pangulo.


"That some people during this particular honeymoon period, their expectations were high, and the actual wait for the implementation of these things may have led to the dip. However, people are still, in general, still satisfied." aniya.


Dagdag pa ni Abella na kahit na bumaba ang rating ng pangulo, ang "public satisfaction" ay nanatili pa din "good" sa 67 percent habang ang "public trust" ay 73 percent noong nagdaang buwan.


Base sa huling Social Weather Stations (SWS) survey, 67 percent ng mga Pilipino ang kuntento at nasiyahan sa mga nagawa ng pangulo habang 19 percent naman ang hindi. 48 percent naman ang nagbigay ng "good" na marka. Ang rating na ito ay mababa kumpara sa 66 percent na nakuha nya noong Hunyo ngayong taon na may markang "very good".


Ayon sa survey, pinakamababa ang nakuha ni Pangulong Duterte sa Visayas na bumagsak sa 30 percent. Bumaba din 22 puntos sa Luzon at Metro Manila ng 19 percent. Ngunit nanatili naman na mataas pa din ang kanyang rating na may 76 percent sa Mindanao na kanyang pinanggalingang rehiyon.


Paliwanag din ni Abella na ang nagdaang survey ay naging larawan ng sentimyento ng publiko hindi lamang sa pangulo kundi sa kaganapan na din ng gobyerno sa pangkalahatan.


Nakadagdag pa dito diumano na ginawa ang nasabing survey ng SWS ilang araw matapos ang "National day of Protest" na idineklara ni Pangulong Duterte upang maipakita at mailabas ng publiko ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.




Isinantabi naman ng tagapagsalita ang mga komento ng mga kritiko ng pangulo sa naganap ng survey at sinabing hindi nito sinasalamin ang mga sentimyento ng mga negosyante sa bansa.


Ayon kay Abella, hindi kailanman naghangad ang pangulo ng katanyagan ngunit malugod syang makikinig sa daing at sasabihin ng publiko ukol sa kanyang panunungkulan bilang lider.


Sinabi din diumano ng pangulo na tatapusin nya ang kanyang termino ng panunungkulan sa bansa at sisiguraduhin na bibigyang resolusyon ang krimen, korapsyon at ilegal na droga.


At kahit na maging dahilan pa ito ng pagbaba ng kanyang popularidad, ipagpapatuloy nya ang laban upang siguraduhin ang katahimikan ng bansa.


Ang instensyon ni Pangulong Duterte ay siguraduhin na sinoman ang pumalit sa kanyang pwesto matapos ang kanyang termino ay ipapagpapatuloy ang kanyang nasimulan.


Ayon kay Abella, "He said he will serve a full term, and that he is set—he’s really bent on making sure that he addresses the three campaign themes, which is crime, corruption, and illegal drugs."

"But he himself is basically concerned—even if it is an unpopular move—he is making sure that the Philippines will have the proper foundation: crime-free, drug-free and corruption-free."

"That is the whole intention making sure that—whoever, whichever, whichever next administration will follow through will be able to enjoy the fruits of the foundation that he has laid,"  dagdag niya.



Source: philstar.com



Comment your thoughts. Like and Share the article

Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

1 comment: