After 8 Years, Will Justice Be Served?


Mr. Jay Sonza & Maguindanao Massacre Vigil. (CTTO)


Fresh News: In commemoration of the eight year of "Maguindanao Massacre", Mr. Jay Sonza, a veteran newscaster and former TV host, posted on his Facebook page a very heart-breaking story about the 32 journalist who were killed in the said province.


The massacre happened on the morning of November 23, 2009 in the town of Ampatuan in Maguindanao province. This is by far, the single deadliest event for journalists in Philippine history.


Mr. Sonza, recalled how some of his people and friends, suffered the very tragic incident that murdered and buried them to death.


He is now asking if 8 years later,  will there be justice after all?


Below is his Facebook Post:




"Eight years ago today, 32 brave souls perished in what is recorded in history as the single most number of journalists killed in one day in the performance of their duties of ferreting out the truth.

Ito ang “Maguindanao Massacre.” 58 ang pinatay, kabilang na ang 32 mamahayag mula sa ibat-ibang himpilan ng radio, telebisyon at dyaryo ang sabayang pinaslang ng mga kampon ng kadiliman.

Apat sa mga ito ay dati kong mga tauhan sa UNTV News & Rescue. Opo, sila ang bumubuo sa Central Mindanao News Bureau ng himpilang minsan kong pinangasiwaan. Kalunus-lunos ang sinapit nila sa kamay ng Pamilya Ampatuan, sampu ng kanilang mga alagad.

The night before, November 22, 2009, we met with them at Apo View Hotel in Davao City. They were to join a throng of journalists covering the filing of certificates of candidacy for the local government of the Province of Maguindanao, in the capital town of Sharrif Aguak.

Ang apat ay binubuo ng isang producer, isang reporter, isang videographer at isang video editor. Matapos ang aming pre-production meeting, lulan ng company vehicle, dala ang mga kagamitan, tumulak sila patungong Buluan, Maguindanao, dakong ika-isa ng madaling araw.

Our Manila team, who was doing a special documentary on banana aerial spraying, likewise went to Compostela Valley, Davao Province and Davao del Sur. As we were wrapping up productions, my phone rang incessantly.

Tanda ko, dakong ika-isa ng hapon iyon. Nang sagutin ko ito, isang naghihinalong boses ang aking narinig nagsasabing, “tito jay, pinapatay kami, nililibing kami ng buhay sir.” Iyong ang huling sandali na nakausap ko sila.

I immediately called my nephew, Police Senior Inspector Francis Sonza, chief of the Criminal Investigation Group of General Santos City at that time. I learned from him about the massacre as he was on his way to the crime scene in Maguindanao. On barrowed chopper, I proceeded to the site to look for our people.

Dumaan ang mga oras. Isa-isang siniyasat ang mga bangkay na nagkalat sa paligid. Iyong iba tinabunan ng lupa mula sa mga hukay. Hanggang sa pinakahuli at pinakamalalim na hukay, tumambad ang news van ng UNTV News & Rescue, warat sa pagkakalibing, lulan ang apat naming tauhan.

Walong (8) taon na ang lumipas. Dalawang administrasyon na ang nagpalit. Presidente noon si Gloria Arroyo. Pinalitan ni Noynoy Aquino. Human Rights Commissioner noon Leila de Lima, naging senador at ngayon nakakulong. Abogado naming noon si Harry Roque, ngayon presidential spokesman na at may balak pa yatang maging senador sa 2019.

Presidente na si Digong Duterte, pinapatalsik na si chief Justice Serreno. Pumuti na at unti-unti ng nalalagas ang aking buhok at ngipin hindi pa ako natatawag upang tumestigo sa kaso Namatay na sa kulungan ang ama ng mga Ampatuan. Napapagpiyansa na ang iba.

May hustisya pa kayang makakamit para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre?"






 Feel free to comment your thoughts below.


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment