Harry Roque, Tinawanan lang ang "Halloween Joke" ni Trillanes.


Incoming Presidential Spokesperson Harry Roque & Senator Trillanes (Photo grabbed from Google. Credit to the owner)

Fresh News: Sa kabila ng mga mapanghusgang komento ni Senador Trillanes na "nasapian daw diumano si Harry Roque ng masamang espiritu, simula ng nasama kay Pangulong Duterte", ay nagkibit balikat na lamang ang Incoming Presidential Spokesperson at imbes na batuhin ng "hollow blocks" ay pinagtawanan na lamang ang tirada ni Trillanes laban sa kanya.


Matatandaang nabanggit ni Roque na hindi nya hahayaan ang mga kritiko ng Pangulo na magpatuloy sa paninira sa Presidente at mismong maninira sa kanya ngunit iba ang sagot nya sa sinabing ito ni Trillanes.


Sinabi ni Roque na sa inisip nya na lamang na isa itong "Halloween joke" sa parte ng Senador kaya hayaan na lamang.


“I think that’s in line with Halloween. So let’s leave it at that,” ani Roque.


Si Harry Roque ay pormal ng uupo sa pwesto bilang tagapagsalita ng Pangulo sa Nobyembre 6 kapalit ni Ernesto Abella.




Noong Lunes, matatandaang nagbanta na si Roque kung paano nya haharapin ang mga kritiko ng administrasyon.


Ito ang kanyang pahayag sa isang panayam sa kanya ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson “Binibigyan ko na po ng notice ‘yung mga walang hiya diyan na naninira lamang. Kung dati-rati hindi kayo nababato bagamat kayo’y nambabato, ngayon po maghanda na kayo dahil kung kayo’y nambato, hindi lang po bato itatapon ko sa inyo, hollow blocks,


Marami ang nagbigay ng ibat--ibang reaksyon ukol sa sinabing ito ni Roque kaya naman noong Huwebes, nilinaw nya ang kanyang pahayag.


Sinabi nya na ang banta nyang "pagbato ng hollow blocks" sa mga kritiko ay hindi nilayon para sa publiko. Ang mensahe nya ay para sa mga "Die-hard Duterte Supporters” or “DDS.”


Aniya, ang kanyang pahayag ay para sa 5.5 milyong "followers" ng Mocha Uson blog at pawang mga tagasuporta din ng Pangulo.


“I was addressing Mocha Uson. I was addressing the 5.5 million followers of the Mocha Uson blog, these are the DDS. It was not really intended for anyone else other than the DDS,” sabi ng incoming speaker.


Binanggit din ni Roque, na sinabi nya ang pahayag na iyon upang ipagbigay alam sa lahat ng DDS na ipaglalaban nya at ipagtatanggol ang Pangulo sa mga hindi makatarungang kritisismo laban kay PRRD.



Source: Inquirer.net



What do you think of this article? Feel free to comment your thoughts below. Thank you!


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment