Street Dwellers, Hindi Itatago sa Pagsapit ng ASEAN

Mga Batang Lansangan o Street Dwellers  (Photo Credit to ABS-CBN)

Fresh News: Kaiba sa nagdaang administrasyon kung saan itinatago ang mga batang lansangan tuwing magkakaroon ng international events or activity sa bansa, sinabi ng palasyo na sa pagsapit ng ASEAN sa susunod na Linggo, hindi nila itatago ang mga batang ito.


Maaalalang, noong bumisita si Pope Francis noong 2015 at ng naghost ang ating bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit noong 2015 din, ipinag-utos ng administrasyon noong panahong iyon na itago ang mga batang lansangan o "street dwellers".


Dahil sa ginawang ito, marami ang bumatikos sa desisyong iyon ng nagdaang Gobyerno.


Dahilan upang hindi ito tularan ng administrasyon ngayon at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte di umano ang nagbilin na hindi dapat itago ang mga bata at dapat lamang na ipakita sila sa mga dayuhan.




Layunin ng Pangulo na magpakatotoo sa mga bibisitang International Leaders upang sila mismo ang makakita sa tunay na kalagayan ng Pilipinas.


Ito ay kinumpirma ni Mitch Cajayon-Uy, Department of Social Welfare and Development (DSWD) undersecretary, na ang Pangulo mismo ang may gusto na pagsapit ng ASEAN, walang batang lansangan ang itatago.


Gayunpaman, sinabi din ni Cajayon-Uy na may international activities man o wala, mayroong mga activity centers na isinasagawa na para sa mga batang kalye, palaruan, feeding program, pagbabasa at ibat-iba pang programang nakahanda upang matulungan ang mga batang ito na maialis sa lansangan at hindi na maglagi at magpalaboy sa kalsada.



Source:  ABS-CBN News



What do you think of this article? Feel free to comment your thoughts below. Thank you!


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment