"What have they done to our country?" Tanong ng Isang Beteranong Mamamahayag.

Jay Sonza & Noynoy Aquino (CTTO)

Fresh News: Hindi napigilan ng isang beterano at batikang mamahayag na si Mr. Jay Sonza na isiwalat ang kanyang saloobin at hinaing sa nagdaang administrasyon.


Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Sonza na dahil sa sunod-sunod na balita tungkol sa katiwalian ng pamunuang Aquino, hindi niya umano mawari kung siya ay masusuka o mamumuhi sa mga ginawa ng mga ito.


Inisa-isa ni Mr. Sonza ang mga katiwaliang nangyari mula sa taong 2010-2016 sa ilalim ng administrasyong Aquino.


Former President Noynoy Aquino (CTTO)

Kanya ring natanong kung bakit nagawa ng nagdaang administrasyon ang mga anomalyang ito sa ating bansa.


Basahin ang kanyang post sa ibaba.



Jay Sonza's Facebook post (CTTO)


Aquino and the heroes of SAF 44 (CTTO)


"Nakakalulang katiwalian"


"Hindi ko malaman kung ako ay maduduwal o mamumuhi sa sunod-sunod na ulat kaugnay ng mga serye ng pagkakahalungkat ng mga umano ay kabalbalan, kabobohan at katiwaliang ginawa o naganap sa ilalim ng pamunuang Aquino mula 2010 hanggang 2016.



1. Mga nabubulok na donation para sana sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa malaking bahagi ng Western, Central at Eastern Visayas. Mga hindi natapos, wala sa tamang desenyong, at puspos ng katiwaliang pabahay ng mga inabot ng super-lakas na bagyo sa halagang bilyon-bilyong piso.




2. Bumili ng mga sasakyan o mobile patrol ng mga pulis sa napakalaki ng overprice at tinatayang halos dalawang bilyong piso ang naibulsa ng mga may kinalaman sa nasabing bentahan.


3. Namili ng mga bagon ng tren na hindi naman sukat sa riles. Namili ng spare parts para sa pagkukumpune ng MRT3 mula sa Evangelista, Makati sa tindahan ng mga baklas. Kumuha ng kontratista para sa maintenance na wala namang sapat na kakayanan at karanasan, bukod pa sa walang sapat na kapital. Lahat ng ito ay gumastos ang gobyerno ng bilyon-bilyong halaga.


4. Namili ng daang-libong baril para sa mga sundalo na depektibo at kailangan pang ayusin ng kumpanyang pinagbilhan. Bilyon-bilyong piso rin ang ginamit sa nasabing transactions.
5. Kinailangang isubo ang buhay ng 44 na commando mula sa PNP Special Action Force upang makuha lamang ang pabuyang bilyon-bilyong piso, matapos mapatay ang iisang terorista.




6.Pinalampas ang pagkakautang ng PAL ni Lucio Tan, Sunvar at Dunkin ng Inquirer group of companies, Benpress Holdings ng mga Lopez, Hacienda Luisita ng mga Aquino at Cojuangco, Mighty Corporation at marami pang iba. Bayaring umaabot sa daang bilyong piso para sa gobyerno.


7. At kani-kanina lang, ang balitang halos siyam na bilyong pisong umanoy katiwalian sa “road right of way scam” dito sa Mindanao, involving Aquino’s brother in law.


What have they done to our country? What a mess !"







Feel free to comment your thoughts below.


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment