Tuesday, January 9, 2018

Bawas sa Buwis para sa mga Anak, Inalis na. Umani ng Iba't ibang Reaksyon sa Publiko.


CTTO

Fresh News: Sadyang hindi maiiwasan ang ibat-ibang reaksyon ng publiko sa ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng kasalukuyang gobyerno partikular na dito ang probisyon sa "income tax" o pagbubuwis sa kita.


Mayroong pabor at meron din namang hindi sang-ayon dito.


Kasama sa ipinatupad sa ilalim ng reporma ay ang pag-alis sa bawas sa buwis ng mga magulang na magdedeklara ng anak o "dependents."


Ibig sabihin nito, kung dati ay may "exemption" sa pagbawas ng buwis ang mga magulang na may "dependents", ngayon ay mawawala na ito at hindi na sila masasaklaw ng sinasabing "exemption".


Kung noon ay nakakakuha ng dagdag na exemption na P25,000 para sa bawat dependent na anak o hanggang apat na anak, sa bagong batas, mawawala na ito.


Ngunit sa kabila naman ng pag-alis sa sinasabing "exemption", binabaan naman ang tax rate para sa lahat. At iyon ang pinakaimportante malaman ng bawat Pilipino.


Isa lang naman ang kailangan maintindihan nating lahat. At ito ay "Mas bumaba ang Income Tax Rate Para sa Lahat!"





Halimbawa, kung ang isang empleyado noon na may apat na anak ay kumikita ng P25,000 kada buwan ay nakakakuha kada taon ng tax exemption na mahigit P100,000 at nagbabayad ng 24,500 kada taon, ngayon sa ilalim ng TRAIN, kahit wala na ang exemption para sa dependents, ang isang empleyadong may anak ay magbabayad na lamang ng buwis na  P10,000 kada taon dahil sa binabaang tax rate.


Para naman sa mga empleyadong walang anak na kumikita noon ng P25,000 kada buwan at nagbabayad ng buwis na P49,500 kada taon, ngayon sa ilalim ng bagong batas, sila ay bubuwisan na lamang ng P10,000 din.


Ibig sabihin may anak o wala, pareho na lamang ang babayarang buwis na mas pinababa ang rate. "All is fair", ika nga.


Ngunit, hindi maiiwasan na may mga hindi sang-ayon sa pagbabagong ito. Isa na dito ang grupong "PRO-LIFE".


Ayon sa kanilang Presidente na si Rita Dayrit, dahil sa bagong batas sa pagbabawas ng buwis, lalo daw mawawalan ng interes ang ibang mag-asawa na magkaroon ng anak.


Aniya, "That will already discourage young couples to have more children. As it is, ang mga kabataan ngayon takot nang mag-anak e, kasi mahal lahat."


Ngunit ayon naman kay Cielo Mago, isang ekonomista, mas naging patas ang pagbubuwis dahil sa pag-alis ng exemption. Mas pabor daw ito lalo na sa ibang may mga dependents na hindi lang may anak kundi mayroong mga magulang o kapatid na dati namang walang exemption. Ngayon aniya, ang dalawang empleyado na may parehong kita at may pareho ngunit magkaibang uri ng "dependents" (anak vs. magulang o kapatid) ay magbabayad na ng parehong halaga ng buwis.


Sinabi nya din na pwede namang bumawi ang kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng magagandang pampublikong programa tulad ng edukasyon at mga serbisyong pangkalusugan.





Ani Magno: "The removal of the deduction eliminated the bias in favor of individuals with kids as dependents. It means that two individuals with the same income but different types of dependents (children vs. elderly or siblings) will now be paying the same amount of tax...The government should continue to improve on the provision of social protection programs."


Ayon naman kay Mon Abrea na isang eksperto sa buwis, hindi man daw perpekto and bagong batas na ito, mas naging simple at mas pabor para sa lahat sapagkat lahat ay makikinabang dito. Hindi katulad noon na pipiliin pa kung sino ang dapat makinabang o magbebenefit.


Sabi nya, "Simplification din talaga na mag-benefit na lang lahat kaysa pipiliin pa natin kung sino ang magbe-benefit,"


Ngayong buwan inaasahang maging epektibo ang bagong tax law na ito.


SourceABS-CBN


Feel free to comment your thoughts below.


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/freshnewspinoy/

No comments:

Post a Comment