Asec. Mocha Uson on News5: "Ang MOCHA USON BLOG ay boses ng Ordinaryong PILIPINO"

PCO Asec. Mocha Uson and News5 logo (CTTO)


Fresh News: Lumipas na ang ika-32 anibersaryo ng People Power Revolution sa EDSA ngunit samut-sari pa rin ang mga isyu na naglalabasan tungkol dito.


Isa na dito ang kaliwa't kanang batikos na tinanggap ni Presidential Communications Operations Office.Asec. Mocha Uson ukol sa isang online poll na kanyang ginawa sa kanyang blog page sa isang sikat na social media site kung saan kanyang kinuha ang opinyon ng sambayanan kung naniniwala ba ang mga ito na ang 1986 EDSA PEOPLE POWER ay isang produkto ng FAKE NEWS.


Online poll ni Asec. Mocha Uson. Photo from her Facebook page /Mocha Uson blog. (CTTO)


Ang nasabing online poll ay humakot ng mahigit 61k na boto. 84% ang bumoto ng OO at nagsabing produkto ng fake news ang 1986 EDSA People Power at 16% naman ang bumoto ng HINDI.




Maraming netizens at media / news outfits ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa ginawang survey na ito ni Asec. Mocha. Isa na dito ang News5 na nagbalita ng reaksyon at pahayag ni Malacañang Spokesperson Harry Roque tungkol sa nasabing post ni Ms. Uson.


Photo from Facebook page/ News5 (CTTO)

Ang nasabing balita ay mukhang hindi nagustuhan ni Asec. Mocha sapagkat salungat sa headline ng News5 na nagsasabing 'Pinalagan' ng Malacañang ang post ni PCO Asec. Mocha Uson tungkol sa EDSA revolution, iba ang ipinahayag ng host/ reporter nung ibinalta na ito. Sinabi ng host ang mga katagang 'Hindi Pinatulan", imbes na 'Pinalagan'.


Sa kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog, inilabas ni PCO Asec and saloobin nya sa News5 at sa buong pamunuan nito ukol sa nilabas nilang balita.


Una ay ang nilabas ng mga itong misleading at malisyosong headline.


Asec. Mocha Uson (CTTO)

Pangalawa ay pakiusap nitong huwag silang pagawayin ni Spox Roque dahil pinaliwanag ni Uson na wala naman syang sinabing Fake News ang EDSA. Mariin nyang nilinaw na ang survey na kanyang pinost ay nagtanong kung ang EDSA ba ay Produkto ng Fake News.




Sinabi nya din na sana ay nagtanong muna sa source ang News5 para sigurado ang mga ito sa ibabalita.


Pangatlo, nilinaw ni Ms. Uson na sa kanyang pananaw ay hindi masamang magtanong ng opinyon sa mga netizens at ang ginawa niyang online poll ay upang marinig ang opinyon at boses ng mga ordinaryong Pilipino at nakiusap na sana naman ay galangin ito ng lahat.


Ani Asec. Uson, Ang tunay na diwa ng EDSA ay Demokrasya ng bawat Pilipino at yon lang ang kaniyang layunin sa ginawang survey sa kanyang Mocha Uson Blog.



Narito ang buong 'post' ni PCO Asec Mocha Uson:
Mocha Uson's Facebook post (CTTO)


"SA PAMUNUAN NG NEWS5"

"Una sa lahat po napaka-misleading at malisyoso ng inyong headline. Ang sabi ninyo ay "Pinalagan ng Malacañang..." pero noong nagsalita na ang host ang sabi' niya ay "HINDI PINATULAN". Ang layo ng ibig sabihin ng PINALAGAN at HINDI PINATULAN. As a matter of fact salungat iyon sa isa't isa. Kailangan ko pa po ba i-exlain ang pinagkaiba ng dalawa? Sa tingin ko po alam niyo naman ang HINDI PINATULAN at PINALAGAN.

Pangalawa , WAG NIYO PO KAMING PAG AWAYIN ni SPOX by asking a misleading question. WALA akong sinabi na FAKE NEWS ang EDSA. At yun din ang reaction ni SPOX, ang sabi niya “according to the LAW it was not FAKE NEWS…” Sino ba nagsabi na FAKE NEWS ang EDSA??? Nangyari naman talaga ang EDSA 86, Ang tanong ko sa survey ay kung “ito ba ay PRODUKTO ng fake news?”. Magkaiba ang ibig sabihin ng “FAKE NEWS ang EDSA” at “PRODUKTO ng fake news” ang EDSA . Ganito yan paliwanag ko po sa inyo dahil hindi kayo nagtatanong muna sa source bago kayo magbalita. “FAKE NEWS ang EDSA”- meaning it didn’t happen o HINDI ito nangyari. “PRODUKTO ng fake news”- meaning it DID happen but it was a result of lies. Sa tagalog NANGYARI ito pero dahil sa kasinungalingan ng ilang sector. KUHA NIYO NA PO PINAGKAIBA??? NEW5 minsan po hindi masama na magtanong sa source kung ito ay inyong ibabalita. Diba po JOURNALIST kayo???? Sa tingin ko po ay tinuturo yan sa Journalism na magtanong muna sa source para sigurado ka sa iyong ibabalita.


PANGATLO, sa tingin ko naman po hindi masama ang magtanong ng opinyon ng mga Netizens. Sabi nga “HISTORY IS WRITTEN BY THE VICTORS” (by that time it was the yellows) so masama po ba na tanungin naman natin ang opinyon ng mga ordinaryong Pilipino??? Sana naman ay wag ninyong masamain ang opinyon ng ibang tao at wag ninyo ipagpilitan ang inyong paniniwala. Galangin natin ang kanilang boses. At uulitin ko ang MOCHA USON BLOG ay boses ng ordinaryong PILIPINO. Yan ang tunay na diwa ng EDSA dba po? DEMOKRASYA ng bawat PILIPINO. Sana isa puso niyo rin po. Salamat."




SourceFacebook


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy

No comments:

Post a Comment