Loading...

Sunday, June 9, 2019

Beteranong Mamamahayag: "IYONG MGA LIDER NA LANG NG ANTI-DUTERTE ANG NANINIWALA SA KANILANG SARILI. PERIOD!"

Jay Sonza and the protesters in EDSA (CTTO)

Hindi napigilan ng isang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na ipahayag ang kanyang saloobin sa nagdaang anibersaryo ng 1986 "Edsa People Power Revolution" noong nakaraang taon Pebrero 25, 2018.

Balikan natin ang kanyang Facebook post kung saan ipinahiwatig ni Mr. Sonza, ang kanyang pagkadismaya sa nakaraang administrasyon at mga lider ng "Anti-Duterte groups".



Dito kanyang sinabi na dapat na diumanong magising na sa katotohan ang mga nais magpabagsak sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Kanya ding nabanggit na halos walang dumalo at iilan lamang ang nahikayat ng mga dilawan sa kilos protestang naganap noon sa EDSA at mas marami pa diumano ang mga magsasakang nagprotesta noon sa Kidapawan, North Cotabato kung saan ang mga pobreng magsasaka ay kinanyon ng tubig at pinaulanan ng bala ng Administrasyong Aquino.


EDSA People Power Revolution 32nd commemoration  (CTTO)



Pinagdiinan din ni Mr. Sonza na ngayon ay gising na ang mga Pilipino at hindi na muling magpapaloko sa mga naghaharing uri, mapagkunwaring alagad ng simbahan at mga sakim sa kapangyarihan.

Kanyang tinapos ang nasabing "Facebook post" sa isang makahulugang pangungusap na nagsasaad na ang mga lider na lamang ng Anti-Duterte ang naniniwala sa kanilang mga sarili. 


In EDSA Protesters march vs Charter change (CTTO)



Dagdag pa ng beteranong mamahayag na bistado na ng taong bayan ang makasariling pakay ng mga dilawan at ayaw na ng Pilipino sa mga ito.

Narito ang buong 'post' ni Mr. Jay Sonza:


Jay Sonza's Facebook post (CTTO)



"Dapat ng gumising sa nagdudumilat na katotohanan ang mga nais magpabagsak sa Duterte Administration.

Nasasalamin sa kanilang mass action ngayong hapon sa EDSA na iilan na lamang ang kanilang nalalansi. 


ANG KANILANG MAPAYAPANG PAGKILOS AY MASASABI NG WALA NA SA HULOG AT MAARI NG MAMAYAPANG TULUYAN.

Halos langawin ang kanilang kilos protesta. Hindi hamak na mas marami ang mga magsasaka na nagprotesta noon sa kidapawan, North Cotabato na humihingi ng ayudang bigas noopng panahon ng tagtuyot na pinaulanan ng bala, kinanyon ng tubig at pinaghahampas ng truncheon ng Administrasyong Aquino.

Mulat na ang sambayanang Pilipino sa kabulastugan ng mga naghaharing uri (oligarch); mapagkunwaring alagad ng simbahan; sakim sa kapangyarihang dilawang pulitiko; at maging ang mga bayarang raliyista mula sa Tondo, Singalong at Bagong Pag-asa (Science Avenue) ay ayaw ng pagoyo sa mga katulad nina Renato Reyes na yumaman at their expense.

IYONG MGA LIDER NA LANG NG ANTI-DUTERTE ANG NANINIWALA SA KANILANG SARILI. BISTADO NA ANG INYONG MGA MAKASARILING PAKAY, AYAW NA NG TAONG BAYAN SA INYO. PERIOD."





Source: Jay Sonza


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

1 comment:

  1. YESSSSSSSSSSSSSSSS MR. JAY SONZA YOU ARE VERY WELL SAID ALWAYS ALL YOU HAVE... GOD BLESS US ALL SA MATINO TALAGA NATING GOBYERNO NGAYON.

    ReplyDelete