Beteranong Mamamahayag, Natawa at Nainis sa tinagurian nyang mga Spoiled Bratpacks sa Malacañang Press Corps.

Jay Sonza and Pia Ranada (CTTO)


Fresh News: Matapos ang mga pangyayari sa Malacañang kung saan pinigilan ang Rappler reporter na si Pia Ranada ng Presidential Security Group (PSG) na pumasok sa New Executive Building (NEB) ng palasyo upang makilahok sa gagawing 'press briefing' ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang beteranong mamamahayag ang naglabas din ng pagkadismaya sa mga tinawag nyang 'spoiled bratpacks' ng Malacañang Press Corps.


Matatandaan na ang pangyayaring pagpigil sa reporter sa pagpasok sa palasyo ay naganap isang araw matapos ang 'senate hearing on the frigates deal' na dinaluhan ni Christopher "Bong" Go, Special Assistant ni President Rodrigo Duterte kung saan kanyang binanggit ang pagkadismaya sa 'news media' tulad ng Rappler at Philippine Daily Inquirer sa pagkalat diumano ng mga pekeng balita na nag-ugat sa pagkasangkot nya sa 'frigates deal'.


Marami ang nagpakita ng suporta kay Bong Go sa pagtanggi nito sa paratang at patunayan na sya ay walang kinalaman sa ano mang ilegal na gawain.


Christopher "Bong" Go (CTTO)

Isang araw matapos ang pagdinig sa senado, sumugod ang mga mamamahayag sa Malacañang upang pakinggan ang gagawing 'press briefing' ni Spox Harry Roque. Ngunit mayroon hindi pinayagan dumalo at makapasok sa palasyo.




Matapos ang insidenteng iyon sa palasyo, naglabas ng samot-saring reaksyon ang mga 'netizens', ilang oposisyon at 'media outfit'. Ang iba ay sang-ayon sa ginawa ng PSG ngunit meron ding ilan na negatibo ang opinyon ukol dito.


Ang iba ay kumampi sa Malacañang at iba naman ay nagkondena. Ang iba ay natuwa sa nangyari sa reporter, merong nainis sa kanyang inasal at merong nagsabing tama lamang ang nangyari sa kanya.

Rappler reporter Pia Ranada (CTTO)

Isa na sa mga nainis at nagpakita ng dismaya ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza. 


Ipinakita nya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang 'Facebook account' at sinabing nakakatawang nakakainis ang ilan sa mga spoiled bratpacks sa Malacanang Press Corps at ilang opposition news outfit.


Inisa-isa ni Mr. Sonza ang mga dahilan kung bakit sya dismayado sa mga mamamahayag na ito.


Nandoon ang hindi pagrespeto sa mga sundalong guwardiya ng palasyo, pag-astang parang may -ari ng palasyo, mga tanong na mababaw at may kayabangan at ang pangbabastos diumano ng mga ito sa tauhan ng gobyerno.




Sinabi din ni Mr. Sonza na kung gusto ng mga 'reporter' na ito na galangin sila bilang isang respetadong mamamahayag, kailangan nilang umaktong disente at matutong rumespeto ng kapwa tao.



Narito ang buong 'post' ni Mr. Jay Sonza:


Mr. Jay Sonza's Facebook post (CTTO)


"Nakakatawang nakakainis ang ilang mga spoiled bratpacks sa Malacanang Press Corps at ilang opposition news outfit.


1. Akalain mong pagalitan iyong sundalong guwardiya sa Malacanan dahil sa pagtupad sa tungkulin.
2. Akalain mong umastang parang sila ang may-ari ng Palasyo at puwede silang labas-masok doon sa oras na gusto nila.
3. Pakinggan mo ang mga press briefing: karamihan ng mga tanong ng mga reporter, kung hindi man mababaw ay condescending pa ang asta ng nagtatanong (i.e. joseph morong of gma news, pia ranada of rappler, etc).
4. Ang hilig nilang mambastos ng mga taong gobyerno, pero pag sila ang sinisita sa kanilang kawalan ng modo, sasabihin nila curtailment of press freedom.
5. They want to be treated with dignity as newspersons, they should first behave decently and respectable so that their conduct can be reciprocated.


DAMN, BAKIT KASI INALIS IYONG SUBJECT NA GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT SA ELEMENTARY CURRICULUM. IYAN TULOY WE ARE PRODUCING A GENERATION OF DISRESPECTFUL PEOPLE."



SourceFacebook


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy

No comments:

Post a Comment