Former DBM Sec. Abad, Sinabing DOH Savings ang Ginamit na Pondo sa Dengvaxia Vaccine

Jay Sonza and Former DBM Sec. Florencio Abad (CTTO)

Fresh News Pinoy
: Sa naganap na pagdinig sa kongreso ngayong araw ukol sa imbestigasyon ng napaka-kontrobersiyang Dengvaxia vaccine, nagbigay ng kanyang saloobin ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza ukol dito.


Sa kanyang isang Facebook post, ibinahagi ni Mr. Sonza ang kanyang pagkairita sa mga taong nasa likod ng kontrobersiyang ito at kung papaanong sa sariling bibig nahuli at umamin ang dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad na galing diumano sa Department of Health (DOH) 'savings' ang pondong ginamit na pambili ng Dengue vaccine.


Former DBM Sec. Florencio Abad (CTTO)
Nilinaw ni Mr. Sonza na sa ilalim ng batas, hindi maaaring gamitin ang 'savings' ng walang pag-apruba sa DOH at DBM.


Sinabi ng beteranong mamamahayag na ibig sabihin noon ay rekomendado ng dating Secretary ng DOH, Janette Garin at DBM Sec. Abad ang naturang mga bakuna na dapat ay laban at kontra Dengue.


Former DOH Sec. Janette Garin (CTTO)

Pinagdiinan din ni Mr. Sonza na iisang tao lamang ang pwedeng mag-apruba sa rekomendasyong ito. Isang tao lamang ang may huling awtoridad na aprubahan ang ilalabas na budget ng DOH at ito ay ang nakaupong pangulo noong panahong iyon na walang iba kundi si Noynoy Aquino.


Dagdag pa ng mamamahayag na hindi na pwedeng ikatuwiran pa ng dating pangulo na hindi nya alam ang mga nangyari dahil siya mismo ang nag-apruba nito.


Noynoy Aquino, Janette Garin and Florencio Abad (CTTO)

Basahin ang buong 'post' ni Mr. Jay Sonza:


Jay Sonza's Facebook post (CTTO)


"Nahuhuli ang isda sa bibig. Sa Congressional hearing ngayon:

Sabi mismo ni former DBM Sec. Abad na DOH savings ang ginamit na pondong pambili ng Dengvaxia vaccine.

Sa ilalim ng batas, hindi maaring gamitin ang savings ng walang recommending approval ng DOH at DBM. Samakatuwid, rekomendado ni Sec. Garin at Abad ang pambili.

Tanging ang Pangulo Aquino lamang ang may obligasyon o responsibilidad na aprobahan ito. (only the president has the final authority for realigning and spending budgetary savings)

SO, HINDI PUWEDENG IKATUWIRAN NI NOYNOY WALANG SIYANG ALAM DAHIL SIYA ANG APPROVING AUTHORITY, WALA NG IBA PA.

Hindi siya maaring maghugas kamay sa usaping ito.

Huling huli ang mga hinayupak."



Source: Facebook


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy

No comments:

Post a Comment