Jay Sonza to Pascual, Padilla and Bernal on Marawi Project: "Saludo Kami Sa Inyo!"

Jay Sonza, Piolo Pascual, Robin Padilla and Joyce Bernal (CTTO)

Matapos ang napakadilim na pangyayaring naganap sa bayan ng Marawi sa Mindanao noong isang taon na kumitil ng buhay ng maraming militante, sundalo at mga sibilyan, unti-unti ng bumabangon ang lungsod at mga tao dito sa tulong ng kasalukuyang administrasyon.


Marami ang nagpaabot ng kanilang mga tulong pinansyal sa patuloy na rehabilitasyon ng Marawi na sinira ng nakaraang giyera. Kabilang sa nagbigay ng tulong ay ang mga sikat na personalidad at aktor na sina Robin Padilla, Piolo Pascual at direktor na si Binibining Joyce Bernal.


The city of Marawi during the war (CTTO)

Si Robin Padilla ay isa sa masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon, higit pa dyan, siya din ay nagbigay ng tulong pinansyal para sa Marawi. Noong nakaraang taon, matatandaang sina Bernal at Pascual ay nakipagkita kay Padilla upang ipaabot ang kanilang donasyon na P1.5 milyon para sa rehabilitasyon ng lungsod.


Robin Padilla receives the P1.5-million donation from Piolo Pascual and Joyce Bernal for the rehabilitation of Marawi City. Screenshot from Instagram/@robinhoodpadilla

Noong nakaraang taon, nagbigay din ng pahiwatig ang batikang direktor na si Binibining Joyce Bernal na nais niyang gumawa ng isang pelikula tungkol sa Marawi. At ngayong taon ay nakahanda ng isakatuparan ang planong ito ng direktor sa tulong din ni Pascual at Padilla. 


Dahil dito, nagbigay ng pahayag ang batikang mamamahayag na si Jay Sonza na kilala ring taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon.







President Duterte and Robin Padilla (CTTO)


Sa kanyang bagong 'Facebook post', pinuri ni Mr. Sonza ang direktor at mga aktor dahil umano sa kanilang walang patumanggang pagtulong sa mga Muslim sa Marawi na biktima ng giyera kamakailan.


Piolo Pascual, Robin Padilla, Director Joyce Bernal. Image:Instagram/@direkbinibini
Ayon kay Sonza, layunin ng nasabing proyekto na makalikom ng karagdagang pondong pantulong sa mga biktima sa lungsod.




Nabanggit din sa nasabing 'post' na lahat ng gaganap sa pelikula, lalo na ang mga pangunahing karakter dito ay lehitimong biktima ng giyera. Bukod dito, lahat ng kukuning manggagawa ay taga Marawi mismo.


Sadya nga naman kaabang-abang ang gagawing 'movie' na ito ng mga sikat na personalidad na may tunay na malasakit sa bayan.


Basahin ang buong pahayag ni Mr. Jay Sonza:


Screenshot of Jay Sonza's Facebook post (CTTO)

"SALUDO KAMI SA INYO"


"Ito ay para kina Piolo Pascual, Robin Padilla at Binibining Joyce Bernal dahil sa kanilang walang patumanggang pagtulong sa mga kapatid nating Muslim sa Marawi na biktima ng giyera kamakailan.


Pinili ng tatlong haligi ng philippine entertainment industry, at sa tulong ng kanilang mga investors na gumawa ng isang pelikula tungkol sa marawi seige, employing resident-victims of the war in lanao del sur.


Ayon kay Piolo, lahat ng gaganap sa movie, especially the main characters ay mga lehitimong biktima ng giyera. Bukod dito, lahat ng kukuning manggagawa ay taga Marawi mismo.


Sina Robin at iba pang malaking artistang katuwang ay susuporta lamang sa mga local actors. Si Bb. Bernal naman ang siyang director ng pelikula.


Layon ng nasabing proyekto na makalikom pa ng karagdagang pondong pantulong sa mga war victims ng bahaging ito ng Mindanao. 


MABUHAY KAYONG LAHAT."



SourceFacebook


Please like & follow https://www.facebook.com/freshnewspinoy for more Fresh News and Trending Info for all Pinoys Around the Globe. Thank you!

Follow us on Twitter: https://twitter.com/freshnewspinoy

No comments:

Post a Comment