Blogger Thinking Pinoy Hinamon ng Interview ang mga Tatakbong Senador!

Thinking Pinoy logo (Photo credit to Thinking Pinoy Facebook page)
Sa nalalapit na eleksyon, hindi napigilan ni Thinking Pinoy blogger, Rj Nieto na hamunin ang mga tatakbo sa pagka-senador sa 'midterm elections' ngayong taon.

Kilala bilang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon, ipinunto ni RJ Nieto sa kanyang Facebook blog page na Thinking Pinoy ang kanyang mungkahi na kapanayamin ang mga tatakbong senador ng libre at walang bayad.



Ayon sa kanya, ang dahilan diumano ng mungkahing ito ay upang magkaroon siya at ang milyon niyang 'social media followers' ng mas malalim na kaalaman at pagkaunawa sa kung ano ang mga plano at plataporma ng mga ito kung sakaling maluklok sa pwesto.

"Gusto ko lang kasing magkaroon ako at ang mga 1.3 million social media followers ko ng mas malalim na pagkakaunawa sa kung anong balak mo pag nanalo ka.", aniya niya


TP blogger RJ Nieto (Photo credit to Rappler)
Ipinagdiinan din ng blogger na mayroon siyang limang kundisyon kung sakaling kakapanayamin niya ang mga kandidatong ito.



Kanya ding ipinag-bigay alam kung bakit, kung saan at kung paano makikipag-ugnayan sa kanya ang mga tumatakbong senador upang magpatala ng 'interview'.

"Have one of your staffers email me at TP [at]ThinkingPinoy.net.Please attach a copy of a valid government-issued ID ng staffer para ma-weed out ko lang yung mga posers.", ayon kay Nieto.

Basahin ang kanyang buong 'Facebook post' sa ibaba:

Screenshot of TP's post (Credit to his Facebook page)

"SENATORIABLE KA BA? MAY SUGGESTION AKO!

Kung oo, gusto ko lang sabihin na keri ako mag-interview sa iyo ng WALANG BAYAD, kahit taga-oposisyon ka pa (oo kahit ikaw pa si Mar Roxas). Oo, kahit pagasolina, HINDI KITA SISINGILIN.

Gusto ko lang kasing magkaroon ako at ang mga 1.3 million social media followers ko ng mas malalim na pagkakaunawa sa kung anong balak mo pag nanalo ka.



Pero may limang kundisyon, syempre:

1. I will air the interview on Facebook Live para walang edit-edit, and you will waive any right to censor/delete the live video.

On my part, I also promise to not to delete the video, anuman ang kahahantungan.

Note, however, na as soon as you start attacking me sa live interview, despite the interview not being about me, I reserve the right to abruptly stop live streaming and politely walk out.

2. You will know about the questions I will ask sa mismong interview. Wala akong isesend sa yo o staff mo na listahan ng questions.

In the spirit of fairness, however, I shall respect your Right against Self-incrimination, so okay lang sa akin na ang sagot mo sa ilang magiging tanong ko ay "I wish to exercise my right against self-incrimination."

3. I will ask a minimum of 10 questions. To be fair, I will allow you to add a maximum of 1 planted question per 5 TP-ang-nagsulat questions (e.g. something that focuses on your platform) para hindi naman maging masyadong adversarial ang eksena.



Note na about your campaign dapat ang planted question and not about me. The interview is for voter education, it is not about me. So bawal ang planted questions about me.

I think this is a good idea kasi it gives senatoriables more incentive to answer more questions. I promise to be as civil to you as humanly possible.

4. We will conduct the interview in a secure location. Given na yan. May tumumba nang congressional bet sa QC (Rest in Peace Madam) at wala akong balak sumunod sa yapak ni ate.

5. Notify me at least a week in advance para maplano ko ang logistics at scheduling.

Game? Have one of your staffers email me at TP [at]ThinkingPinoy.net.Please attach a copy of a valid government-issued ID ng staffer para ma-weed out ko lang yung mga posers.

Hindi mo naman kailangan magpa-interview sa akin, pero I believe na gipitan ang labanan sa senado ngayong 2019, and every vote you get will count.

Yun lang po. Salamat.

P.S. WALA ITONG BAYAD KAYA HINDI ITO COUNTED AGAINST YOUR CAMPAIGN SPENDING LIMIT.



P.P.S. Pasensiya na po sa mga party-list dahil hindi ko kayang i-extend ang same na opportunity dahil napakarami nang senatoriables at lalong mas marami ang party-list kaya wala na po talaga akong oras at energy para doon. Peace po.

P.P.P.S. I promise na wala akong magiging comment anywhere sa interview or doon sa comments section ng video on whether I will vote for the candidate or not. I, however, reserve my right to free speech on all other posts.

P. P. P .P .S. DO NOT CALL MY PHONE (alam kong marami sa inyo e may phone number ko) dahil baka out of coverage area lang ang mangyari dahil madalas po ako sa Singapore (andoon ang mga bespren ko e) e wala akong pambayad sa international roaming. Best option talaga is email."



Source: Thinking Pinoy



What can you say about this article? Share us your thoughts by simply leaving a comment on the section below.

For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by!

No comments:

Post a Comment