Loading...

Wednesday, June 19, 2019

Jay Sonza to PRRD: "Salamat po sa Matinong Gobyerno Natin"

Jay Sonza , MRT and President Rodrigo Duterte (CTTO)


Sadya nga namang nakakatuwa at dapat ipagmalaki ang pagbabagong nagaganap sa ating bansa ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang pagpapabuti ng sistema at pagsasaayos ng transportasyon ng Manila Metro Rail Transit (MRT) kung saan labing-anim na pangkat na ng tren ang tumatakbo at nagbibigay serbisyo sa mga pasahero ng MRT-3 araw-araw, dahilan upang hindi na mag-sisiksikan ang mga pasahero at maging komportable na ang kanilang byahe sakay ng tren.






Metro Rail Transit Line 3 (CTTO)


The improved MRT-3 (CTTO)

Isang napakagandang balita na ikinatuwa ng mga Pilipino, lalo na ng mga naniniwala at sumusuporta sa Pangulong Duterte.





Isa sa mga nagparating ng kagalakan at pasasalamat sa magandang balitang ito ay ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza.


Ating balikan ang isang Facebook post ni Sonza kung saan ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kasalukuyang administrasyon at sa lahat ng kinauukulan sa pagsasaayos ng sistema sa MRT.



Binanggit nya din sa nasabing post na halos mahigit isang taon ding sinisi ang administrasyon ni Pangulong Duterte dahil sa kabi-kabilang isyu sa MRT 3, ganon naman pala ay nakurakot lamang ng mga opisyal ng nagdaang administrasyong Aquino ang diumano ay bilyong pisong pondo para sa ika-aayos ng sistema at takbo ng mga tren nito.






Mar Roxas and Noynoy Aquino (CTTO)



Narito ang buong pahayag ni Mr. Jay Sonza:
Jay Sonza's Facebook post (CTTO)




"Salamat. Thank you.

Sa ngalan ng mga libo-libong mananakay sa MRT 3, nais naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kinauukulan sa maagap at dalisay na pagsasaayos nitong mass transport system.

Mahigit din isang taon na kaliwat-kanan ang batikos ang inabot ng duterte administration sa kapalpakan ng MRT 3. Iyon pala, ang bilyong pisong pondo para sa maayos na takbo nito ay napag-alamang kinurakot pala ng mga opisyal ni Pangulong Noynoy Aquino.

Matapos lang buwan lamang ng matinong pangangasiwa, 16 na set ng mga train at bagon ang mahinusay na tumatakbo na. Unti-unti ng nawawala ang siksikan. Nasa oras na ang mga biyahe. Ilang panahon na lamang, tuluyan ng maisasaayos ang lahat ng mga kabulastugang ginawa nina Roxas, Abaya at iba pang kinilala na sangkot sa panggahasa sa MRT 3 at pondo nito.
Salamat po sa matinong gobyerno natin."





Source: Jay Sonza


What can you say about this article? Share us your thoughts by simply leaving a comment on the section below.


For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by!

No comments:

Post a Comment