Tuesday, January 14, 2020

Fearless Blogger to Dilawans on Duterte's Achievements: "Sige, magngingitngit lang kayo diyan, gawin niyong miserable ang buhay niyo"

Photo credit to Thinking Pinoy's Facebook page
With the endless tirades and conflicts between the present administration and the opposition, fearless and popular blogger, Thinking Pinoy, once again posted a remarkable opinion expressing his confusion as to why the opposition, more commonly known as the "dilawans" are still acting the way they do from 2016 until now.

That, as per TP, after all the success and convenience the Duterte administration is doing for the country, still these "Dilawans" surprisingly cannot not seem to find and appreciate the efforts of the 'old man'.




President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner

The fearless blogger then made his way to somehow make these 'dilawans' realize the truth, that they have already lost the battle, so they might as well accept it or otherwise live a miserable life until the end of President Duterte's term. 




Photo credit to Thinking Pinoy's Facebook page

Read Thinking Pinoy's powerful post below:




"YUNG NANGINGITNGIT NANG WALANG PATUMANGGA

Heto talaga di ko ma-gets sa kabilang kubol.

So ang generic eksena e shungaers lang na mapagpanggap lang na may alam ang mga bloggers sa banda rito. Pero kung tanga talaga, e bakit na-wipeout yung kabilang kubol?

Ngayon, mga recycled senators na lang ang natitira sa kanila dahil kahit yung big guns na nila ang pinatakbo, waley. Lucilda eksena ng ex-presidentiable-turned-ex-senatoriable, at kahit yung nang-cosplay ng Ninoy nang 24×7×365 (at 366 sa mga leap year), semplang rin.

So ano yun, yung talino nilang yun e (mind you, eksperto sila kuno sa psychology, sociology, mass communication, quantum physics, lahat na, itodo na) pero hindi man lang sila nakapambola ng kahit ilang milyon para maisingit kahit isa?

Pero siyempre, hindi patatalo yan. Eeksena namang madali lang mauto ang mga botante kaya nadadale ng "fake news", pero hindi ba't mas magaling dapat mang-uto ang mautak kaysa sa tatanga-tanga?



Wala talaga, ayaw bumenta e. Sa sobrang tumal ng benta, sa dayuhan na lang naglako ng paninda. Hindi makumbinsi ang Pilipino e, so palusob na lang sa dayuhan. Gondoh lang.

Face it, yung mga chant-chant ng kabilang kubol noong 2016, wala nang kasilbi-silbi yan sa 2022 dahil wala, as in walang kahit isang dilaw ang may kahit kapirasong fighting chance para sa Malacañang.

Ganito lang naman yan e. Malaya naman kayong mag-emotional masturb*tion diyan at utuin niyo ang sarili niyo na tama kayo, pero the fact the remains na paggising niyo bukas, si Rody Duterte pa rin ang presidente. Pagtulog niyo bukas at paggising niyo sa makalawa, si Duterte pa rin ang presidente. Tuloy-tuloy yan hanggang a-trenta ng Hunyo sa 2022.

Pero, at the rate you're going, mukhang alyado pa rin ni Duterte ang susunod or worse for you, Duterte na naman ang uupo, so may extra 365×6 pang tulog bago mawala sa ulirat ninyo ang mga Bisayang 'yan.

Yeah, magngingitngit ang ngipin niyo sa galit habang lumiliit ang bayarin niyong tubig. Magngingitngit ang ngipin niyo sa galit habang nakasakay kayo sa tren na hindi na ibinubuga ng estasyon.



Magngingitngit ang ngipin niyo sa galit habang nagmamaneho mula Balintawak hanggang Alabang nang hindi lumalapag sa EDSA. Magngingit ang ngipin niyo habang nakapila sa passport processing na OMG nabu-book na sa wakas.

Huwag rin naman sanang mangyari, pero baka magngingitngit ang ngipin niyo habang naging biktima kayo ng sakuna tapos kara-karaka ang ayuda ng gobyerno dahil hindi na kailangang mamalimos muna sa ibang bansa.

Magngingitngit ang ngipin niyo habang nakapila sa sa boarding ng eroplano nang hindi nasisingitan ng bala ang bag niyo, at magngingitngit ang ngipin niyo habang papalabas kayo ng airport nang kumpleto laman ng bagahe.

Sige, magngingitngit lang kayo diyan, gawin niyong miserable ang buhay niyo dahil ang hirap-hirap talagang tanggapin na sa totoo e malaki ang igininhawa.

Samantalang kami rito e nakangiting nakatitig sa taong tulad niyong sa kangingitngit e nagmumukha nang kasing "tanga" namin.

Congratulations.




Source: Thinking Pinoy

No comments:

Post a Comment