Wednesday, January 15, 2020

NAKAKABILIB! Ginang Kinansel ang Engrandeng 75th Birthday Celebration upang Mag-Donate sa Taal Victims

Inay Belen | Photo credit to Sherwin Mulingtapang's Facebook 
Matapos ang mahigit sa apat na dekada ng pagtulog at pananahimik, naulit ang pagsabog ng Taal Volcano noong Linggo, Enero 12, 2020, dahilan upang lumikas ang libo-libong tao na naninirahan sa Batangas at sa mga karatig na probinsya nito.

Bilang tugon sa patuloy na sakuna, parami nang parami ang nagpapa-abot ng tulong sa mga biktima at sadya nga namang nakakataba ng puso ang pinapakitang pagbabayanihan ng mga Pilipino sa panahong ito.



Isa na dito ay ang pamilya Mulingtapang, na tubong Lemery Batangas, na nagpaabot ng kanilang tulong kapalit ng pinagpalibang engrandeng 75th birthday celebration sana ng kanilang inang si Inay Belen.

Noong nakaraang Martes, Enero 14, 2020, sadyang nag-viral ang post ng anak ni Inay Belen na si Sherwin Mulingtapang, nang ibahagi nito sa social media ang ginawang pagkansela ng kanilang ina sa planong bonggang selebrasyon at pinili na lamang na gastusin ang perang gagamitin sana dito sa pagbili ng donasyon sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano. 

Photo credit to Sherwin Mulingtapang's Facebook



Ayon kay Sherwin, kasado na ang halos lahat ng preparasyon, mula sa caterer, lugar ng pag-gaganapan ng kaarawan, photo coverage, gown designer and make up artist, mobile bar at live band, ng kanyang inang si Belen Mulingtapang, pero kinansela ito upang makapag-abot na lamang ng tulong sa mga biktima at evacuees.

Ibinahagi din ni Sherwin sa nasabing post kung gaano siya ka-proud sa kanyang ina at kung paano sobrang nagagalak ang kanilang buong pamilya sa pagkakataong magbigay at magshare ng kanilang blessings sa iba.

Basahin sa ibaba ang buong kwento at post ni Sherwin: 



"FLEX KO LANG NANAY KO.. 💪🏻💪🏻💪🏻 75th BIRTHDAY NYA SA JANUARY 24..

✅CATERER

✅EVENTS PLACE

✅LIGHTS AND SOUNDS

✅MOBILE BAR AND LIVE BAND

✅PHOTO COVERAGE

✅GOWN DESIGNER AND MAKE UP ARTIST

HALOS OK NA ANG LAHAT.. PERO LAHAT AY CANCELLED.. ❌❌❌

LAHAT NG YAN EH DI NA TULOY.. MAMIMIGAY NA LANG DAW CIA NG MGA RELIEF GOODS AT MGA SAKO NG BIGAS.. PACENCIA N PO PERO PROUD LANG PO TALAGA KAMI SA NANAY NAMIN.. KAHAPON NAIIYAK AKO TUWING MAKAKAKITA AKO NG MGA ACTS OF KINDNESS SA SOCIAL MEDIA KC NAAANTIG AKO SA MGA PAGTUTULUNGAN NG MGA TAO.. NAKAKATUWA LANG NA MAY CHANCE DIN KAMI PARA ISHARE ANG BLESSINGS SA IBANG TAONG NANGANGAILANGAN.. ❤️❤️❤️

HAPPY BIRTHDAY PO INAY BELEN.. 🎉🎂

MAHAL PO NAMIN KAYO.. ❤️☺️




Inay Belen | Photo credit to Sherwin Mulingtapang's Facebook



Photo credit to Sherwin Mulingtapang's Facebook


Photo credit to Sherwin Mulingtapang's Facebook




Source: Sherwin Mulingtapang

No comments:

Post a Comment