Former TV Host on ABS-CBN Franchise Senate Hearing: "Kanya-kanyang bolahan lang.."

Philippine Senators Poe, Go, Pangilinan, Drilom, Recto | Jay Sonza's Facebook post | CTTO
Kilala ang dating TV host at beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa matatapang nitong mga opinyon at pahayag sa ibat-ibang isyu ng bayan lalo na sa puntong politikal.

Kilala din siya bilang isang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon, lalo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

At ito ngang huli sa kanyang social media account ay muli na namang umatake ang beterano ukol sa
nagdaang pagdinig sa Senado kahapon, Pebrero 24, 2020 na nag-siyasat sa mga isyu na sumasaklaw sa pag-renew ng franchise ng higanteng media na ABS-CBN Broadcasting Corporation, na sinasabing malapit ng matapos ang prangkisa sa susunod na buwan.





ABS-CBN Executives on Senate hearing | Photo credit to the owner
Hindi napigilan ni Sonza na muling ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa nagdaang 'senate hearing', dahil sa kanyang opinyon, kanya-kanya ang nangyaring bolahan sa mga senador at nag-sayang lamang diumano ang mga ito ng oras, dahil mismo sila ay hindi alam ang kanilang layunin at gagawin sa nasabing pagdinig.

Inisa-isa din niya ang mga senador na dumalo sa hearing kahapon at sinulat ang mga tumatak na pahayag ng mga ito sa kanya. 





ABS-CBN Franchise Senate Hearing | Photo credit to the owner

Basahin ang kanyang buong Facebook post sa ibaba: 



"kanya-kanyang bolahan lang kanina:

 villanueva - hindi kumpleto ang umaga kung walang abs.

pangilinan - kami rin may mga ads ang otso diretso na hindi umere kaya kami Natalo

go - kukumbinsehin ko si preaidente na bigyan ng prangkisa sila.

bato - kung totoo iyong sinasabi nyo, payag na rin siguro ako.

pacman - malaki ang utang na loob natin sa abs.

poe - puwede na pala ang provisional permit natin.

drilon - ok na ang temporary franchise for three years.

risa - may pending pa ako...

recto - kawawa iyong eleven ano..

silang lahat - nagdebate ng 2 hours kung ano ba ang kanilang gagawin kaninang umaga.

they wasted 2 hours talking not knowing their purpose in meeting."





Source: Jay Sonza

No comments:

Post a Comment