On ABS-CBN QW issue, Radio Host hits Robredo: "Ano ang Ginawa niya? Palibhasa Puppet lang Talaga."

Vice President Leni Robredo | Mark Lopez' post | ABS-CBN | Credit to the owner
Sa patuloy na isyu ng franchise expiration na kinakaharap ng TV network na ABS-CBN, at sa walang katiyakan na kakaharapin nito pagkatapos ng Marso 30, sinasabing mas nalagay sa panganib ang network matapos magsampa ng petisyon sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida na ipawalang-bisa na ang prangkisa ng istasyon.

Ito ay dahil diumano sa paglabag ng network sa mga patakaran na itinakda ng Kongreso at isa na dito ay ang sinasabing pagpayag ng network sa mga dayuhan na makilahok sa pagmamay-ari ng isang entidad ng mass media sa bansa, kahit na ipinagbabawal ng Saligang Batas.





SolGen Jose Calida | Photo credit to the owner
Kabi-kabila na din ang naglalabasang reaksyon ukol sa mainit na usaping ito ng Kapamilya network, at makikita na magkaiba talaga ang panig ng magkaribal na partido ng gobyerno, ang oposisyon at administrasyon.

Isa sa nagbigay ng isang makabuluhang pahayag sa isyung ito ay walang iba kundi ang beteranong radio host at admin supporter na si Mark Lopez, kung saan kanyang kinwestyon ang gagawin ni Vice President Leni Robredo sa usapin ng Quo Warranto ng nasabing network.

Ayon kay Lopez, isang magandang pagkakataon sana sa bise presidente na maipakita ang kanyang galing bilang lider at abogado, at magpahayag ng kaalaman tungkol sa broadcasting at congressional franchise sa isyung ito ng ABS-CBN.





Vice President Leni Robredo | Photo credit to the owner
Ngunit pahayag ng Radio host na dahil naka-'default' diumano si Robredo na kontrahin ang lahat ng gawain ng gobyerno, ay wala itong ginagawa dahil ang tanging alam niya lamang ay laging mali ang administrasyon.

Narito ang kanyang buong pahayag:



"Itong issue ng QW ng ABS CBN ay isa sana magandang opportunity kay Leni Robredo na maipakita ang kanyang kalibre bilang abogado at lider.

Puede naman sana sya pumagitna o magpahayag ng isang malalim na diskurso sa estado ng oligarchy, nuance ng broadcasting and congressional franchise, and even the dumbing down of the Filipino by a crass mass media network.

Pero ano ang ginawa nya?

Ayun, naka default na basta anything na gawin ng gobyerno, kelangan kontra sya. Basta kontra. Kahit walang sustansya ang statement.

Basta ang alam lang nya, mali ang administrasyon. Pero subukan mo tanungin sa merito ng kaso, wala, nganga.

Palibhasa puppet lang talaga.




Source: Mark Lopez

No comments:

Post a Comment