Piolo Pascual Inamin na Hindi Siya Pinayagan Noon na Hayagang I-Endorso si Duterte

Actor Piolo Pascual | President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner
Marami sa mga sikat na artista ang hayagang nag-endorso ng mga kani-kanilang napusuang kandidato noong panahon ng eleksyon.

Kabi-kabila ang mga commercials, shows at tours ng mga sikat na personalidad na ito upang magpakita ng suporta sa kanilang napiling kandito lalo na sa pagka-Pangulo.


Ngunit kung may mga artistang hayagang nag-endorso ng kanilang kandidato, ay mayroon din daw diumanong mga artista na hindi pinayagan, at animoy pinag-bawalang lantarang mag-endorso ng kanilang susuportahang kandidato.

Isa na dito diumano ay ang sikat na Kapamilya aktor na si Piolo Pascual.


Piolo Pascual | Photo credit to the owner
Noon pa man ay bilib at iniidolo na diumano ng sikat na Kapamilya aktor na si Piolo Pascual si Pangulong Duterte, kaya naman tuwing nagpupunta siya ng Davao city noong Mayor pa lamang ang Pangulo ay lagi siyang nagko-courtesy visit doon.


Sa isang interview noong 2016, matatandaang inamin ng aktor na mayroon na siyang napiling kandidato at ieendorso niya ito.

Sabi niya noon, "Opo, mayroon akong ieendorso."

Pahayag pa niya na napaka-importante ng nagdaang eleksyon noon sa bayan at nais niyang gamitin ang kaniyang impluwensya at magamit ito sa tamang paraan upang maikampanya ang tamang kandito.



President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner

"It’s crucial, e, this election is crucial para sa bayan natin. And I wanna be able to use my influence para at least magamit naman natin ang tamang paraan ng pagkakampanya sa gusto natin.", ani Piolo.



Dagdag pa niya na ang nangyaring halalan noong 2016 ay siyang tutukoy sa susunod na anim na taon ng pag-unlad ng bansa, kaya napakahalaga para sa mga Filipino na maiboto ang tamang kandidato.

“It will define the next six years of the Philippines, economy-wise, and it's important for us to know who are we gonna vote for.”, sabi ng aktor.`

Ngunit, matatandaan na hanggang sa natapos na ang eleksyon noong 2016 ay hindi hayagang nag-endorso si Piolo at hindi nalaman ng publiko kung sino talaga ang sinuportahan at ibinoto ng aktor.

Sa interview sa isang event na dinaluhan ng aktor noong taon ding iyon, inamin ng aktor na ang ibinoto niya talaga ay si Pangulong Rodrigo Duterte dahil siya ay matagal ng Pro-Digong.





Piolo Pascual | Photo credit to the owner

"I’ve always been pro-Digong ever since.", pagtatapat ni Piolo.

Subalit isa ding nakakagulat na rebelasyon ang kanyang inamin noong mga oras na iyon at sinabing
nais man niyang ipakita ang suporta sa Pangulo ay hindi siya pinayagan na hayagang mag-endorso sa publiko.

Hindi na diumano nadagdagan pa ang pahayag ni Piolo noon dahil tinawag na siya upang mag-perform sa event.

"Every time I would go to Davao, pinipilit kong maka-meet siya and hindi lang ako pinayagang mag-endorse openly, pero I’ve always been for Digong.", madiing inamin ng aktor.




Source: PEP.Ph

No comments:

Post a Comment