Radio Host Burns Vice Ganda: "Jan ka naman magaling eh. Ang pang aalipusta sa kapwa mo!"

Mark Lopez | ABS-CBN | Vice Ganda | Photo credit to the owner
Sa napipintong panganib ng pagsasara at sa napapa-balitang hindi na mabibigyan ng 'franchise renewal' ang isa sa pinakamalaking network ng bansa na ABS-CBN, kabi-kabila na ang nag-lalabasang reaksyon ukol dito.

Malawak na rin ang panawagan at petisyon ng mga artista ng nasabing istasyon na huwag sanang matuloy ang 'shut down' ng kumpanya.

Isa ang sikat na komedyante na si Jose Marie Viceral o mas kilala bilang Vice Ganda, sa mga artistang madalas mag-post sa social media ukol sa nasabing petisyon ng network. At ito ngang huli ay nagpasaring sa mga diumano ay bumabatikos sa kanyang kumpanyang ABS-CBN.


Vice Ganda | Photo credit to the owner
Ayon sa Twitter post ni Vice, mga trolls daw ang mga kritiko ng Kapamilya network at malamang, sa mga susunod na araw ay kung anong balita na naman ang ipapakalat ng mga ito.



"Bukas ang ipapakalat naman ng mga trolls ABS CBN di nagbayad ng kuryente. Tapos susunod naman di nagbayad ng tubig. Tapos di nagbayad ng cable. Tapos di nagbayad ng GRAB. Tapos di nagbayad ng milktea. Tapos di nagbayad sa tong its. Hanggang sa di na nagbayad sa paluwagan. Potah!", pahayag ng komedyante.

Screenshot of Vice Ganda's tweet | Credit to his Twitter account
Ang tweet na ito ni Vice ay umani ng ibat-ibang reaksyon sa mga netizens. Ang iba ay sumang-ayon sa kanyang pahayag ngunit mayroon ding hindi natuwa at sinagot ang paratang ng komedyante.



Hindi pinalampas ng veteran radio host at matapang na Duterte supporter na si Mark Lopez, ang pahayag na ito ni Vice, kaya sa kanya namang Facebook account, bumwelta si Lopez at ipinamukha sa komedyante ang ginagawa nitong panlalait at pang-aalipusta sa kapwa.

"Jan ka naman magaling eh. Yan ang kinabubuhay mo, ang daanin sa biro ang pang aalipusta sa kapwa mo. Trolls talaga ha?", ani Lopez.

Binigyan diin din ni Lopez ang diumano ay hindi pagiging magandang impluwensya ng komedyante sa mga Filipino sa panahon ngayon.

Basahin ang kanyang buong kasagutan sa ibaba: 



Screenshot of Mark Lopez' post | Credit to his Facebook account

"Sure Mr Jose Marie Viceral, you can mock and belittle those who are making a stand against your network's egregious sins against the Filipinos.



Jan ka naman magaling eh. Yan ang kinabubuhay mo, ang daanin sa biro ang pang aalipusta sa kapwa mo. Trolls talaga ha?

No wonder ikaw ang poster child at pambato ng ABS CBN. You and your so-called talent.

Oks lang yan.

Perhaps there is a reason why the clamor to shutdown the Kapamilya Network is much louder than all of your shrill and bravado. By the way, thank you so much for contributing heavily to the dumbing down of our citizenry.

Baka kaya malakas na ang panawagan na isara ang ABS CBN eh dahil panahon na para naman mag level up na ang Pilipino.

Salamat Vice.

Mulat na kami."




Source: Mark Lopez

1 comment:

  1. Mag bayad kc kyu ng taxes nyu...at sa mga trabahanteng pinagtangal nyu dapat may separation pay kc yan ang nka saad sa batas..at remitance ng sss pag ibig nila zero pa anu kyu...

    ReplyDelete