Sen. Bong Go to Trillanes: "Ang Dumi mo! Ikaw ang Mayabang, Dumaan ka pa lang, Lilipad na Lahat!"

Senator Bong Go | Bikoy | Antonio Trillanes | Photo credit to the owner
Sa pagbabalik sa bansa ng dating senador na si Antonio Trillanes IV, na ngayon ay nahaharap muli sa kasong sedisyon laban sa pamahalaan, mainit na sinagot at nagbigay ng mensahe sa kanya si Senador Bong Go ukol sa patutsada nito laban sa administrasyong Duterte.

Si Trillanes at sampung iba pa ay kinasuhan ng pagsasabwatan sa kasong sedisyon at sinasabing nasa likod ng isang viral video na "Ang Totoong Narcolist" kung saan inakusahan ang pamilya Duterte na sangkot sa pangangalakal ng narkotiko sa bansa. 




Bikoy Vira; Video | Photo credit to the owner
Matapang namang nagbigay ng pahayag ang dating senador at sinabing haharapin niya ang kaso tulad na lamang ng pagharap niya sa lahat ng kasong pang-haharass diumano sa kanya ng Pangulo, pati na ng mga alagad nito.

"I will face this case just as I have faced all the other harassment cases Duterte's minions have filed against me," ani Trullanes.




Former Senator Antonio Trillanes IV | Photo credit to the owner
Hindi naman pinalampas ni Senator Bong Go ang muli ay maanghang na pahayag na ito ni Trillanes,  kaya naman sa isang interview sa DWIZ, sinagot nito ng mas maanghang na mga salita ang dating senador at tinawag na madumi, mayabang at tila asong ulol.

Senator Bong Go | Photo credit to the owner
Narito ang buong pahayag ni Sen. Bong Go:



"Ang totoong Bikoy, si Sonny Boy. ikaw ang totoong Bikoy. Sa totoo lang, Ang dumi mo! Alam mo, saan kukuha si Advincula ng pambayad? Professional video lumabas, sisirain niyo ako, pinahubad mo akong dalawang beses. Paninira. Parang gusto mo akong kulayan ng itim para ikaw ang pumuti.

Ngayon, sasabihin mo, 'Sinong mayabang?' Ikaw ang mayabang. Pag-dumaan ka pa lang, lilipad na lahat sa hangin. Hindi ako tulad sa 'yo. Pagdating ng panahon, pagbaba ng amo ko, hindi ako mag-tatago, Pero, magpapa-injection kami ni Pangulo ng anti-rabies, baka makagat kami ng asong ulol.

Hindi ako tutulad sa iyo na mag-tatago dito sa Senado. Pupuntahan kita, sasamahan kita, ihahatid kita sa amo mo naman, ang amo si Satanas. Sasamahan kita kahit saan!"



Panoorin ang buong video sa Link na ito.





Source: DWIZ 882

No comments:

Post a Comment