"Successful ang Oplan Papogi ni Poe at ng ABS-CBN.." -Opinyon ng isang Netizen sa naganap na Senate Hearing

ABS-CBN logo | Senator Grace Poe | Netizen Renewal Rodaje Basa's post | CTTO
Mainit pa din ang usapin sa nangyaring senate hearing para sa 'franchise renewal' ng higanteng Media Broadcasting Corporation na ABS-CBN na naganap noong nakaraang Lunes, Pebrero 24, 2020.

Ito ay sa kadahilanang marami ang hindi diumano nagustuhan ang naging resulta ng pagdinig sa senado, dahil sa naging pahayag ng mga senador ukol sa isyu.



Kaya naman, isang netizen ang matapang na nagpahayag ng kanyang opinyon at saloobin at punto por punto niyang hinimay ang mga kaganapan sa naganap na hearing, partikular na ang diumano ay mga tinuran at inasal ni Senador Grace Poe, na siyang namuno sa panel. 



Senator Grace Poe | Photo credit to the owner
Ayon sa netizen na na nagngangalang, Renewel Rodaje Basa, inunahan ni Poe ang Oral Arguments sa Supreme Court sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagdinig na iyon at pag-anyaya sa mga diumano ay 'resource persons', tulad ng BIR, NTC at SEC at gamitin diumano ang mga ito upang mapahanga ang sambayanan at pumanig sa ABS-CBN.

Kaya ang ending, ayon sa netizen ay successful ang ani niya ay 'Oplan Papogi' ng senadora at ng naturang network, dahil naimluwensiyan diumano ng mga ito ang mga Filipino sa mga inihain nitong mga pahayag sa senado.





ABS-CBN executives | Photo credit to the owner
Narito ang buong pahayag at opinyon ng netizen:



"Hindi nakatiis ang isa nating ka Charutan at tinanong ako kung anong say ko dito sa post na ito.

Walang kaabog abog. Abay syempre totoo.

Ganun naman talaga ang naging resulta ng hearing kahapon.

It was partly Senator Go's fault yung sa dulo. Although totoo naman talaga, pero I kennat for the life of me, defend his statement. It is as it is.

Pero Hep Hep Hurray!

Ito ang epekto ng pa Hearing ni Sen. Poe. And itong sasabihin ko eh hinala ko lamang ano...

Inunahan na ni Poe ang Oral Arguments sa Supreme Court. By conducting this hearing and inviting these resource persons kuno, pero ang line of questioning ay targeted towards their needed answers.

Example: Magkano ang total na nabayad ng buwis ng ABS-CBN sa BIR?

Aba syempre si BIR sasagot, resource person sya eh, pag hindi nya sinagot, baka i contempt ang lolo mo. Sinegweyan ng Confidentiality para kemeng lusot. Kaso wrong move, andun ang mga opisyales ng network, wineaive ang rights to confidentiality. Wala ng magawa ang lolo mo kundi mag compute. At lumabas ang figues Bilyones and binayarang buwis.



Abay malamang! Sa dami ng advertisers ninyo, at sa laki ng kinita ng mga pelikula ni Vice Ganda, KathNiel at KathDen, malamang Bilyones talaga ang Tax ninyo dahil Bilyones din ang kinita ninyo!

Pero Pero Pero malinis to!

May nag ungkat ba ng mga "compromised" agreements between BIR and ABS-CBN? Wala ata akong naalala!

In short, ginamit ni Poe ang BIR para mapanganga sa paghanga ang sambayanan at pumanig sa ABS-CBN. Akalain mo ba naman BILYONES ang binayad sa TAX?

Ito pang NTC, ginamit din ni Poe para saan? Para i assert ang "equity" as pointed out by Justice Secretary Guevarra. Ikaw ba naman na bago pa magsimula ang hearing eh paandaran ng Powerpoint Presentation ng mga prangkisa na expired na pero hinayaan mo lang magpatuloy dahil sa prinsipyo ng "equity". Hindi ka ngayon maka deny diba?

Eh teka, sino ba ang may kasalanan nun? NTC ba? Sabi nga ni Secretary Guevarra, "GAP in the LAW". Pag sinabing GAP in the LAW eh automatic dapat LEGISLATIVE Branch yan. Katangahan nila sa Legislative dahil hindi sila naglagay ng probisyon sa prangkisa o sa kahit ano mang related na batas na magtatakda sana kung paano ang estado ng mga prangkisang expired na, at pending ang renewal. Pero ano? Pinagtuunan ba nila ng pansin? Hindi, bakit? Dahil wala ni isang Senador ang aamin na katangahan ng LEGISLATIVE DEPARTMENT yun!

Eto namang SEC, gustong gusto ding mag Powerpoint Presentation tungkol sa PDR. Aba bakit kanyo? Eh hindi ba sila ang nag approve ng PDR ng ABS-CBN? Kung sasabihin nilang may violation eh para na rin silang nag suicide.



Eh di anong ending? Ayun successful ang Oplan Papogi ni Poe at ng ABS-CBN. Televised ito ha! Nationwide.

Mabalik tayo. Bakit ko nasabing inunahan ni Poe ang Korte Suprema?

Kasi po hindi po totoong isa lang ang Korte sa Pilipinas. Actually dalawa po. Tanong nyo kay former VP Binay.

Isang Korte kung saan pinagtatalunan ang batas ang tawag dun ay Judicial Department, RTC, MTC, Court of Appeals, Supreme Court etc. Dun nagbabangayan ang mga abogado sa merits ng kaso. May violation ba o wala? Nagkasala ba o hindi? Yun din ang FINAL na may say kung nagkasala o hindi ang ABS-CBN.

At yun ang inunahan ni Senator Poe. Saan?

Sa Court of PUBLIC OPINION! Sa COURT of PUBLIC PERCEPTION!

Bakit? By conducting this hearing and having satisfactorily established its "supposed" findings as you can see in the post below. Senator Poe and ABS-CBN has influenced the FILIPINO people to cast doubt on the upcoming hearing to be conducted by the Supreme Court. If the Court so ruled against ABS-CBN, the public wouldnt be easily convinced that the ruling was based on Merits. Pupusta ako kung ano ang sigaw ng mga yan pag kumating ang Korte Suprema kay Solgen. HUDIKATURA TUTA NI DUTERTE!

Aber?

Bakla na ako, wag nyo akong chinacharot!





Source: Renewel Rodaje Basa

1 comment:

  1. Ang galing mo charot garapalan ang senate hearing ni poe,a USELESS, Shamed and BIASED senate hearing gastos lang sa time at money of pilipino people,tapos all in all ibalik lang pala sa congress,hahaha question lang charot anu ba talaga ang punto ni poe sa hearing na yun

    ReplyDelete