"Tatlo't Kalahating Taon na Hindi Nilulubayan ang Pangulo. Nakakapagod sa totoo lang." -Prominent Lawyer

President Rodrigo Duterte | Trixie Cruz-Angeles Facebook post | CTTO

Sadya nga namang napakabilis ng panahon at nalalapit na sa ika-apat na taon sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na ginulat ng dating Mayor ng Davao ang buong bansa ng tumakbo itong Pangulo taong 2016. Marami ang nag-akala na hindi siya magwawagi dahil ang mga katunggali nito ay mas popular sa larangan ng politika.

Ngunit dahil sa kakaibang istilo ng pananalita, angas at pamamalakad nito sa Davao na talaga namang minahal ng mga Davaoenos, marami ang humanga sa kanya at nagtiwala na baka siya na nga sagot sa tunay na pagbabago ng bansa.



President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner
Subalit kung marami man ang nagmamahal at sumusuporta kay Pangulong Duterte ay mayroon pa ding mangilan na patuloy ang pangbabatikos at paninira sa kanya.

Dahil dito, hindi na napigilan ng kilalang DDS na si Trixie Cruz-Angeles, isa ding lawyer at radio host, na ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa mga taong aniya ay hindi nilulubayan ang Pangulo, mga taong ilang beses ng sumubok na pabagsakin ang pinuno ng bansa, ngunit bigo pa din hanggang ngayon.



Anti-Duterte rally | Photo credit to the owner
Kaya naman sa kanyang Facebook post, ipinamukha ni Atty. Trixie, sa mga walang-sawang kritiko ng Pangulo kung gaano na nakakapagod ang kanilang paninira, na mukhang wala namang patutunguhan dahil nanatiling mahal ng taong-bayan ang Promding Pangulo ng bansa.

Narito ang kanyang buong pahayag:


"Tatlo't kalahating taon na hindi nilulubayan ang pangulo. Ilang attempts na ba mag incite to sedition, o mag conspire to sedition? Ilang ulit ang mga nangangarap ng isa pang EDSA?

Walang humpay na binibigo ang magagandang hangarin at proyekto. Tuloy tuloy ang pamemerwisyo sa puntiryang buwagin ang mga rent seekers na umaako ng lahat ng yaman ng bayan -- mga masasahol na ipokritong nagpapanggap pang malinis at makatao, lintsak!

Pilit nilang ikinukumpara sa laban kay Marcos, ang kaisaisa nilang "tagumpay".

Ilan ba ang nakulong? Si Delima lang? Pwede namang ikulong si Trillanes, ginawa ba? Lahat ng kaso, dumadaan sa hukuman, binibigyan ng bail (maliban din sa kaso ng droga). Lahat may karapatan magsalita at magpahayag.

Nagiimbento ng "human rights violations" na ni hindi mapatunayan sa kakulangan ng katawang maibabalandra sa EDSA.

Nakakapagod, sa tutoo lang.

Sa gitna ng pagtatanggol sa pangulo, meron kang makikitang nagpapasarap sa kaban ng bayan. Nirereklamo ba sila? Nasaan ang mga galit kay Dominguez na mukhang nagpoprotekta sa oligarko, nasaan ang galit sa mga may trabahong magpalaganap ng impormasyon pero hinahayaan sa mga bloggers na walang bayad at halos ibaon sa batikos at pagmumura ng mga anonymous accounts? Nasaan ang mga masisigasig na dilaw? Galit ba sila sa mga ito?




Source: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan

No comments:

Post a Comment