Upang malaman diumano ang kabulastugan ng ABS-CBN, Former TV Host Hinamon si Sen. Grace Poe!

Jay Sonza | ABS-CBN | Senator Grace Poe | Photo credit to the owner
Sa napapa-balitang panawagan na isulong at dinggin sa Senado ang prangkisa ng ABS-CBN, na mapapaso na sa katapusan ng Marso, inihain na diumano ni Public Services committee chairman Grace Poe ang Senate Resolution 122, na layong imbestigahan kung may paglabag nga ba ang ABS-CBN sa prangkisa na ipinagkaloob dito ng Kongreso.

Sa isang pahayag, iginiit diumano ni Poe na may kapangyarihan ang Senado na silipin ang ano mang prangkisa, lalo na ang bintang kontra sa ano mang network.




Senator Grace Poe | Photo credit to the owner
Dahil dito, may hamon ang beteranong mamamahayag at former TV host na si Jay Sonza sa Senadora at sinabing kung talagang seryoso ito na malaman ang kabulastugan ng Kapamilya network, may mga taong kailangan niyang imbitahin na diumano ay mapagkukunan niya ng lehitimong impormasyon.

Kasunod nito, kanyang tinukoy ang mga pangalan ng mga sinasabing "resource persons".

Narito ang nakakaintrigang pahayag ni Mr. Sonza:



Screenshot of Mr. Sonza's post | Credit to his Facebook account

"Kung talagang serious kang malaman ang mga kabulastugan ng abs-cbn Sen. Grace Poe- Llamanzares, imbitahin mo ang mga sumusunod na resource persons:



1. Mel Tiangco
2. Angelique Lazo
3. Ruth Abao
4. Izza Reneva-Cruz
5. Erwin Tulfo
6. Jay Sonza
7. Korina Sanchez-Roxas
8. Gel Santos-Relos
9. Group 103 forcibly terminated cameramen, cablemen, lightmen, vtr men, driver.
10 Group 457 forcibly dismissed employees.
11. Group 209 forcibly retired employees.
12. ten thousand employees without mandatory social amelioration coverage.

kung magpapakatotoo ka!


kung hindi, tama na iyang lecheng pautot mong senate hearing!



Source: Jay Sonza

No comments:

Post a Comment