Veteran Journo to Ted Failon on DJ Chacha: "Pakisabi Huwag na Niyang Paglihian si General Bato.."

Senator Bato dela Rosa | DJ Chacha | Ted Failon
Kilala ang beteranong journalist at dating TV host na si Jay Sonza hindi lamang sa pagiging matapang sa pananalita nito kundi sa pagiging pilyo at palabiro lalo na sa mga posts niya sa social media.

Kilala din siya bilang masuguid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon, kaya naman sa tuwing may bumabatikos sa Pangulo at sa mga loyal na kakampi nito, ay nandyan ang veteran journo upang ipagtanggol at ipaglaban sila.



Tulad na lang nitong huling balita na sadyang nag-viral sa social media kung saan diumano binatikos ni radio DJ Czarina Balba, na mas kilala sa MOR 101.9 na DJ Chacha, si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa.

DJ Chacha | Photo credit to the owner
Ayon diumano sa tweet ng radio DJ, dapat ng magresign ang senador at mag-apply na lang na bodyguard ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang loyalty daw nito ay sa Pangulo lamang at hindi sa taong bayan.



“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” tweet ni DJ Chacha.

Agad naman diumanong sinagot ito ni Senator Bato dela Rosa, at tinanong kung mali ba ang ang maging loyal sa Pangulo na tanging iniisip lamang ay ang kapakanan ng kanyang nasasakupan at puksain ang mga bastardo at corrupt sa bansa.

Senator Bato dela Rosa | Credit to the owner
“Mali ba ang maging loyal sa isang duly-elected president who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who had been bastardizing this country for so long a time?” ang sabi ng senador.



Ang pahayag na iyon ni DJ Chacha kay Senator Bato ay hindi din nagustuhan ni Mr. Jay Sonza kaya naman sa isang Facebook post, pabirong sumulat ito kay Ted Failon, isa ding sikat at beteranong Radio at TV host, na diumano ay ka-tandem ng nasabing babaeng DJ sa isang programa sa radyo. 

Ted Failon | Photo credit to the owner
Ani Sonza kay Failon, pagsabihan ang ka-tandem na huwag paglihian si General Bato at baka mas lalong maging delikado ang prangkisa ng kanilang network.

Basahin ang kanyang nakakaaliw na pahayag sa ibaba:



"02.20.2020
Cong. Teodoro Etong
Failon Ngayon
DZMM 630 KHz

Dear Mr. Ted Failon,

Greetings!

Pakisabi sa iyong tandem na si Ms. Muwah2 Tsup2 (deejay chacha) enjoy ako sa kanyang pakiyot-kiyot sa inyong programa tuwing umaga, lalo na kapag nilalandi-landi ka niya on air.

Pakisabi huwag na niyang paglihian si general bato. delikado iyong legislative franchise natin pagdating sa senate at kay pangulo.

At saka pakisabi sa kanya kung magpapakodak siyang buntis, huwag siyang haharap sa camera. nawawala iyong sense of mystical ek-ek.

I'm a fan. regards to your legion of listeners. Pag-ayoayo bai.

Yours,

jysonza"'





Source: Jay SonzaPhilstar

No comments:

Post a Comment