Fearless Radio Host on ABS-CBN Franchise: "SENATE FOR SALE"

Senator Franklin Drilon | ABS-CBN logo | Mark Lopez' Facebook post | CTTO
Sa nagdaang pagdinig sa Senado noong nakaraang buwa, na nag-siyasat sa mga isyu na sumasaklaw sa pag-renew ng franchise ng higanteng media na ABS-CBN Broadcasting Corporation, kabi-kabila pa din ang mga opinyon at diumano ay ibat-ibang resolusyon na itinutulak ng mga senador ukol dito.

Kaya naman, hindi muling nag-papigil ang beteranong radio host at kilalang matapang na Duterte supporter, na si Mr. Mark Lopez na ibahagi ang kanyang pagkadismaya sa mga senador, na ayon sa kanya ay ginagamit lamang ang Senado bilang plataporma ng kapamilya network upang diumano ay makumbinsi ang taumbayan na importante sa bayan ang nasabing istasyon.




Senator Franklin Drilon | Photo credit to the owner
Sa kaniyang Facebook post, ipinahayag ni Lopez ang pagkainis sa ibang mambabatas dahil imbis na daw ibaling ng mga ito ang atensyon sa mas mahahalagang suliranin ng bansa, ay mas pinagtutuunan diumano ng mga ito ang prangkisa ng TV network, na sinasabing magtatapos na ngayong buwan.

Ang matapang na opinyon na iyon ay kanyang tugon sa ibinahagi niyang balita galing sa Radyo Pilipinas na nagsasaad na pormal na diumanong pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon ukol sa pagbibigay ng National Telecommunications Commission (NTC) ng "provisional authority" sa ABS-CBN, habang tinatalakay pa ng Kongreso ang prangkisa nito.



Photo shared by Mr. Mark Lopez | Photo credit to Radyo Pilipinas 

Narito ang kanyang buong pahayag: 




"SENATE FOR SALE

Andami kinakaharap ng bansa, at marami ang mga dapat pagtuunan ng pansin at ayusin pero itong mga hindot na mga senador na ito, hindi mapakali sa napipintong expiry ng ABS CBN franchise.

Si Franklin Drilon, grabe ang motivation para magtrabaho at itulak itong walang kwentang resolution na nagpapahayag lang ng damdamin ng senado na bigyan sana ng NTC ng provisional authority ang kapamilya network kahit expired na ang franchise. BUHAY NA BUHAY ANG DUGO NG HINAYUPAK...

Ulitin natin ha - wala hong effect ang resolution na ito sa kahit anong legal na usapin patungkol sa franchise ng ABS CBN.

Ang malinaw na itensyon ni Drilon at ng mga kapwa nya ganid na mga senador eh gamitin lang ang senado bilang plataporma ng ABS CBN na makapag-ingay at mabaon sa isipan ng taumbayan na sila ay importante sa lipunan.

Ganyan kawalanghiya ang Senado natin ngayon."





Source: Mark Lopez

1 comment:

  1. spell ABS CBN... A.....B.....S.....C.....B......N......... SHUTDOWN

    ReplyDelete