Isang Fan, Proud sa kanyang Idolong si Angel Locsin: "Salamat sa Real Life Hero ng mga Pinoy"


Actress Angel Locsin and her sleeping tents | Photo credit to Niña Aquino's Facebook account
Isa si Angel Locsin sa mga kilalang personalidad na aktibo sa pagkakawanggawa tuwing napapasailalim ang bayan sa mga trahedya at krisis.

At ngayon ngang patuloy ang paglaganap ng Coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, muli na namang nagpamalas ng kagandahang loob ang 'paboritong Darna' ng Pilipinas nang magpatayo ito ng sleeping tents para sa mga magiting na frontliners at health workers.


Photo credit to Niña Aquino's Facebook account
Photo credit to Niña Aquino's Facebook account
Kaya naman sobrang proud ang netizen at fan na si Niña Aquino, at ibinahagi ang kabutihang loob na ginawa muli ng kanyang idolong si Angel, sa pamamagitan ng pag-post sa social media na ngayon ay viral at trending na.

Nagpasalamat din siya at tinawag na tunay na bayani ang aktres.

"Salamat sa real life hero ng mga pinoy Angel Locsin", aniya.


Photo credit to Niña Aquino's Facebook account


Photo credit to Niña Aquino's Facebook account
Narito ang kanyang buong post: 


"Darna to the rescue to our health workers

Eto yung lugar na sobrang makakapag relax ang ating mga health workers after duty, from the ambience sa labas dahil sa tanaw ang laguna lake. Tas kung kailangan na nila magpahinga eto naman ang tutulugan nila, air conditioned, sanitized at very instagrammable ang set up ( style by: Gideon)

Ang mga receptionists na sasalubong sa ating health workers very accommodating and lively. At syempre para na rin sa kanilang safety, siniguro ni Angel na sila ay naka complete PPE’s

For security: 24hours may roving guards sa buong area

For sanitation: makakasiguro din na po na ang mga health workers ay safe. May schedule for disinfection and cleaning everyday.

Strictly implemented ang social distancing at wearing mask

Salamat sa real life hero ng mga pinoy Angel Locsin."



Source: Niña Aquino

No comments:

Post a Comment