Dahil Hindi Napagbigyan ang Hinihinging S26 na Gatas, Babae Nang-away at Nag-maldita!

Photo credit to the owner
Viral ngayon sa social media ang naging pag-uusap sa Facebook messenger sa pagitan ng dalawang babae, isang nagmamagandang loob na nagbibigay ng donasyon sa abot ng kanyang makakaya, at isang choosy at demanding na nanghihingi ng gatas ng anak.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Daisy Andal ang screenshots ng pag-uusap ng dalawa, kung saan mababasa ang nagrereklamo na nanghihingi ng tulong at galit pang inaway ang babaeng sana ay magbibigay ng pang-gatas sa kanyang anak.



Ani Andal, nakita lamang niya ang 'conversation' na iyon sa isang Facebook group.

"Nakita ko lang to sa isang group . toxic. Nanghihingi ng pang gatas. wala naman sanang masama manghingi lalo na ngayong panahon na to pero yung may willing ng tumulong tas ikaw na demanding at ikaw pa nagiinaso jusmiyo Goodluck sayo ateng."

Makikita na sa umpisa ng pag-uusap ay maayos namang nagtanong ang babaeng nanghihingi ng gatas ngunit ng sabihin ng kabilang panig na hindi nila afford ang hinihinging klase ng gatas ay nagalit ang una at inaway ng bongga ang huli.

Hindi pa nakontento sa panlalait ang babaeng demanding at hiniling pang magka-corona virus ang babaeng may magandang loob.

Narito ang buong kwento:
















Ang post na ito ay inulan ng galit mula sa mga netizens. Sa kasalukuyan, meron na itong 8.4k reactions, 525 comments at 22k shares sa Facebook.


Source: Daisy Andal

No comments:

Post a Comment