Former TV Host may Hamon sa Oust Duterte Movement: "Pwede na kayong mag-edsa people power ngayon"

Jay Sonza | President Rodrigo Duterte | CTTO
Matapos ang 'surprised media briefing' ni Pangulong Duterte kahapon ng gabi, inulan muli ang social media ng mapanirang puna at pintas para sa kasalukuyang administrasyon, mula sa mga kritiko nito.

Ang iba sa kanila ay nagkaisa diumano at nanawagan na patalsikin na ang Pangulo at ikinalat ang hashtag na Oust Duterte sa kani-kanilang social media accounts.



Photo credit to the owner

Dahil dito, umalma naman ang dating TV Host at beteranong mamamahayag na si Jay Sonza at hinamon ang mga indibidwal na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Duterte.

Sa kanyang Facebook post, hinimok niya ang mga 'woke na kaisa sa Oust Duterte movement' na mag-Edsa people power na, dahil ayon sa kanya, wala namang mangyayari at hindi mapapatalsik ang Pangulo kung sa social media lamang sila mag-iingay at mananawagan.

President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner
Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba: 



Screenshot of Mr. Jay Sonza's post | Credit to his Facebook account

"good morning.

iyong lahat ng mga woke na kaisa sa #oustduterte movement, puwede na kayong mag-edsa people power ngayon.

samahan ninyo iyong mga pulahan at dilawan tulad nina elago, reyes, zarate, hontiveros, pangilinan, Isidro, Navarro, at iba pa.

walang mangyayari sa Kaka twitter at facebook ninyo. wala pang natanggal kahit purok leader sa pamamagitan ng social media postings.

at least kapag lumabas kayo Ngayon, siguradong may mangyayari na.

Tatamaan kayo ng corona virus o tatamaan kayo ng gutom dahil ikukulong kayo ng walang libreng pagkain at gamot o kaya ay tamaan kayo ng bala ng baril ng sundalo o pulis nadahil buryong na sa inyong ka eklatang sa Buhay.

OK. game na."



Source: Jay Sonza

No comments:

Post a Comment