NY Univ. Alumna may Mensahe sa mga Ayaw kay Duterte: "Sino ang mag a-adjust, kami na marami o kayo na kakarampot?"

Krizette Laureta Chu | President Rodrigo Duterte | CTTO
Tulad ng inaasahan, madami na namang naglabasang hindi magagandang reaksyon mula sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos nitong magbigay ng update sa bansa, kahapon, Abril 6, 2020, ukol sa pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon sa krisis dulot ng coronavirus o COVID-19.

Kabi-kabila na naman diumano ang pangungutya, panlalait ng mga taong galit sa Pangulo, sa kabila ng paghihirap nitong gampanan ang tungkulin.



President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner
Dahil dito, hindi muling nagpapigil ang isang kilalang Duterte supporter na Krizette Laureta Chu, upang ibigay ang saloobin at muli ay ipagtanggol ang Pangulo ng bansa.

Bilang isang matapang na manunulat na nagtapos sa New York University, walang takot na nagpost muli sa kanyang Facebook account si Chu, at binalikan ang mga kritiko ng administrasyon.


Screenshot of Chu's post | Credit to her Facebook account

Ayon sa kanya, hindi na kailanman mababago pa ang pamamaraan ng pananalita ng Pangulo at kailangan itong tanggapin ng kakarampot na galit sa kanya, dahil karamihan diumano ng bumoto kay Duterte ay tanggap ang katotohanang ito.

Narito ang buong pahayag ni Chu:



"Para sa mga ayaw kay Duterte and cant stand how he talks, just listen to the more palatable Cab Sec Karlo Nograles in the morning, or a mere 8-10 hours after the President’s ramblings in the midnight.

Yan eh kung information lang ang habol niyo at hindi para maka-insulto

Hindi lang kayo ang anak ng Diyos. Marami sa amin na taxpayers, even those who are not rabid fans of Duterte, like listening to him. Kung yung Lolo at Tatay nyo hindi gaya ni Duterte and YOURE all like “ewww that’s not how my father is,” e di wag. We want to listen to him. We want to hear him pour his heart out.

He will never change. Not at his age. He will never suddenly be a Mar Roxas or an oratorical statesman.

LIVE. WITH. IT. Live with it because we voted for him even when we knew this was how he is. AS IF SUPER DIGNIFIED SPEAKER SYA NUNG CAMPAIGN? And we still (OVERWHELMINGLY) voted for him even with his crude and offensive jokes.

So ngayon, sino ang mag a-adjust kung iba iba ang opinion natin, kami na marami o kayo na kakarampot?

MGA CHOSERONG PALAKANG SAKSAKAN NG NEGA. Hanap kayo ng winner ng declamation contest sa 2022 at yun ang iboto nyo PESTE"



Source: Krizette Laureta Chu

No comments:

Post a Comment