PAKIUSAP GALING SA TAXPAYERS: "Gusto naming mabuhay pa para makapagtrabaho at mag-ambag sa lipunan. Huwag niyo naman kaming.."

Atty. Bruce Rivera | Photo credit to Atty. Bruce's Facebook account 

Sa patuloy na krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic, tila umusbong ang malaking katanungan kung sino nga ba ang talagang karapat-dapat na bigyan ng pangunahing tulong at prayoridad ng pamahalaan.

Hindi naman mapagkakaila na nauna nang bigyan ng ayuda o tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng "Bayanihan to Heal as One Act", ang mga pamilyang mababa ang kita, lalo na iyong mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


Photo credit to the owner
Dahil dito, marami ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon kung bakit ang mga middle-class citizens ng bansa ay hindi diumano binigyan ng prayoridad, ganoong sila ang mga nagbabayad ng buwis.

Isa sa nagpaabot ng kanyang saloobin sa isyung ito ay si Atty. Bruce Rivera na kilala din bilang isang matapang na mamamahayag at radio host.

Atty. Bruce Rivera | Photo credit to the owner
Sa kanyang Facebook post, malinaw na tinalakay ni Atty. Rivera ang mga sakripisyo ng pagiging isang middle class at kung paano sila tumupad ng tungkulin at responsibilidad bilang isang mabuting mamamayan ng bansa.


Nagpaabot di siya ng konting kahilingan sa mga taong ngayon ay tumatanggap ng ayuda ngunit tila ay umaabuso at nangunguna pa sa pagsuway sa batas ngayong panahon ng krisis.

Basahin ang kanyang makabuluhang post sa ibaba:

"PAKIUSAP GALING SA TAXPAYERS

Alam po namin na hindi madali maging mahirap. Kaya nga po nag-aaral tayo at nagsisikap para umalis sa kahirapan. Kaya nga hindi kami nag-asawa agad at naghintay na maging secure na para mapag-aral namin ang mga anak namin. Kaya nga hindi kami magbisyo dahil nakakahiya sa aming magulang na humihithit kami ng yosi habang sila ay hindi kumakain sa Milan para may extra na ipapadala sa amin. Ayaw natin ang maging mahirap. Kasi alam natin na ang mga mayayaman, hindi lahat naiintindihan tayo. Pero sigurado na marami sa mga di nakakaintindi, gagamitin tayo.

Kaya, kahit ang una kong sweldo nuong naging underbar associate ako na PhP15k nuong 2005 ay P9,800 na lang dahil sa TAX, masakit pero masaya kong tinanggap dahil alam kong itutulong sa mga dating katulad ko na mahirap. Hindi ito chenes na hirap ha, nakatira kami sa squatter nung grade 5 ako nung naghiwalay ang magulang ko at ang banyo namin ay nasa gilid ng daanan ng tao kaya gabi kami naliligo. Isa lang ang gripo ng bahay na yun.



Kaya nasasaktan ako na ninanakaw ang pera galing sa buwis ko kahlt na abogado ako ng ilan sa kanila kasi karamihan binoto niyo, minahal niyo at binoboto niyo ng paulit-ulit. Naintindihan namin ang 4P's kahit hindi namin maintindihan bakit kailangan pa gawing kundisyon ang pag-aaralin niyo ang mga anak ninyo kasi ang alam ko, obligasyon ng magulang na pag-aralin ang kanilang anak. Kaya nga madami ang OFW kasi karamihan sa mga yan, may pamilyang binubuhay. At ang nasa isip namin, ayuda yan para bigyan kayo ng saklay upang tumayo sa inyong pansamantalang pagkalugmok. Kasi, gusto din namin na maalis kayo sa posisyon na pinalad na nakaalis kami. At madami kaming nakaalis. Hindi lang madami ang mga anak namin kasi mahirap maging pabigat dahil hindi namin kayang pigilan ang init ng aming katawan.

At oo, ginagamit kayo mga mayayaman. Oo, ginagamit kayo ng mga institusyon. Oo, ginagamit at pinapalago kayo ng mga pulitiko dahil dumodoble ang dami ng botante nila pag patuloy kayong maging mahirap. At ginagamit kayo ng mga makakaliwa at rebelde upang gamiting dahilan sa kanilang kunwaring pakikibaka. At dahil ayaw nating magpagamit, nag-aaral tayo para hindi tayo lolokohin ng mga oportunista.

Ito ang problema namin. Patuloy kaming nagbabayad ng dapat bayaran kahit karamihan ng mga mataas ang kita patuloy na niloloko ang estado dahil alam namin na pupunta sa poorest of the poor. Kasi, kalaunan sila naman ang aariba at aalis sa karukhaan.

Ngunit, nararamdaman namin na tila namimihasa na ang iba sa ayuda ng bayan. Pilit na tumitira na siyudad kasi ayaw maging magsasaka kasi mas masaya maging tulak. Hindi nag-iisip at anak ng anak kasi biyaya ng langit ang bata, hindi buboto ng maayos dahil binibigyan ako ni Mayor sa nakaw niya kaya okey lang, nagpapagamit sa mga oportunista kasi may panandaliang delihensta, takot magbanat ng buto kasi kung wala akong trabaho, kasalanan ng gobyerno na hindi ako hinanapan ng trabaho, at sisihin ang tadhana dahil ipinanganak na mahirap at parang talunan na susukong mahirap.



At nilunok namin ito dahil mga Pilipino tayong dapat mag-unawaan. Kami ang mas nakakaangat kaya magpasensya kahit nakikita namin na ginagago kayo ng mga mayayaman. Paano nga naman, kung babatikusin namin yung mga gumagago sa inyo, kayo ang galit na dumedepensa sa kanila.

Kinakampanya niyo pa nga. At kung may pumalit na bago, kailangan niyang lumaro ng madumi kasi hindi niyo din iboboto ulit kung di kayo bigyan. At magaling kayong nagpasalamat at hindi nagtataka kung saan niya kinukuha ang pambigay sa inyo. Ni hindi niyo tinanong.

Kami na sasagot, sa amin po galing yan. Kasi ayaw natin na nagbabayad ng buwis ang mga minalas sa buhay.

Kaya, habang ginagamit kayo ng mga mayayaman at ginagamit ninyo ang sistema na obligahin ang lipunan na buhayin kayo, maganak na taon-taon niyong nagagawa na daig niyo ang kuneho, patuloy ang pag-ikot ng mundo dahil kahit papano ay BUHAY tayong lahat.

Di bale na pinapayaman niyo ang mga binoboto at tinatangkilik ninyo kahit hindi nila alam ang totoong nararamdaman niyo habang kinukuba niyo ang mga ordinaryong taong katulad namin na magbanat ng buto at ang iba, manilbihan sa ibang bayan. Okey lang, basta tayong lahat, buhay.


Kaya masakit ngayon na nakikita na pati ba naman ang buhay namin ay ilalagay niyo sa bingit dahil mahirap magsakrispisyo ang isang dukha. Dahil sakripisyo na ang kahirapan kaya mahirap nakatengang gutom sa bahay. Wala na kayong kinakain.

Pero karamihan sa amin, wala na ding kinakain dahil ubos na ang ipon namin. Nahihiya lang kaming humingi dahil sanay kaming nagbibigay. At naiintindihan namin ang bagot at gutom niyo dahil lumaki din kaming gutom at gutom din kami ngayon.



Hindi namin sinusumbat ang ginagawa ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis sa mga hindi nagbabayad. Masaya kaming ginagawa ang tungkulin namin kaya pinapakulong natin ang mga umiiwas. Pero para maipagpapatuloy niyo ang pagtanggap ng ayuda, simple lang ang hiling namin.

Una, iboto ninyo ang totoong may malasakit sa inyo kasi reklamo kayo ng reklamo pero kayo naman ang naglulok niyan dahil mas marami kayo at kami ay pagod na kakabanat ng buto para pumila sa presinto.

At ito ang pinaka-importante. Gusto naming mabuhay pa para makapagtrabaho at mag-ambag sa lipunan. Huwag niyo naman kaming patayin dahil ayaw niyo magsakripisyo para sa amin.

Pakiusap lang. Kaya, kakain ako ng ice cream na pangmayaman. Kasi sa mga pinagagagawa ninyo, baka matigok na ako ng hindi nakatikim ng mga bagay na gusto ko tikman pero hindi ko ginagawa palagi dahil ayaw ko maging pabigat sa inyo."



Source: Bruce V. Rivera

No comments:

Post a Comment