Radio Host Bumwelta kay Arnold Clavio: "Akala mo nakatulong ka eh personally, iba ang opinion ko.."

Mark Lopez and his Facebook post | Arnold Clavio | CTTO
Mainit ngayon ang usapin tungkol sa diumano ay isiniwalat ng GMA News anchor na si Arnold Clavio tungkol sa hindi raw pagbibilang ng COVID-19 'deaths' ng isang ospital sa Metro Manila.

Ani Clavio, may impormasyon siyang natanggap mula sa frontliners ng isang ospital na hindi niya pinangalanan at ayon daw sa mga frontliners na iyon, nagkalat na sa hallway ang mga patay sa kanilang pagamutan dahil walang cadaver bags.

Ang balita galing kay Clavio na kanyang pinost sa sariling Facebook account ay sadyang nag-viral sa social media at umani ng ibat-ibang reaksyon sa mga netizens.



Photo shared by Mark Lopez | CTTO
Isa sa mga unang nagbigay ng reaksyon ukol dito ay ang veteran Radio host at mamamahayag na si Mark Lopez, na kinwestyon ang kredibilidad ng impormasyong ipinagkalat diumano ni Clavio.

Dahil dito, nag-post muli si Clavio at siya namang nagtanong kung tunay ba ang account ni Lopez. Pinapasabi din iya diumano sa radio host na siya ay responsable at nais lamang na malaman ng taong-bayan ang totoo.



Photo shared by Mark Lopez | CTTO

Hindi naman ito pinalampas ni Lopez at muli ay bumwelta sa GMA News anchor at sinabing kung akala ni Clavio ay nakatulong siya, iba ang tingin ni Lopez, dahil para diumano sa kanya ay nanggugulo lamang ito.

"Ewan ko Mr Clavio, pero kung akala mo nakatulong ka eh personally, iba ang opinion ko. Nanggugulo ka.", aniya.

Basahin ang kabuuan ng kanyang pahayag sa ibaba: 



"Mr Arnold Clavio,

Totoong account ako. I re-activate mo ulet FB mo para ma validate mo.

Alam mo sa sarili mo nag cause ka ng mass hysteria jan sa sa IG post mo. Ikaw mismo defensive sa first sentence pa lang.

Beterano ka na Sir. Nakausap ka ng frontliner tapos yun na yun? Pumunta ka ba sa East Avenue Medical Center (EAMC)? Tinawagan mo ung Medical Director to validate? Ang lawak ng network mo Sir. Hanggang sa Secretary ng DOH madali mo matatawagan. In fact, si Sec Duque na nga nag reach out sa iyo eh, at ayan - offically dineny ang claim mo. Isipin mo gumawa ka ng unnecessary na gulo at kailangan ngayon magbuhos pa ng time, effort and resources ang mismong DOH Sec because of your irresponsible post.

Eh ano ba ang totoo? Ayan, sabi sa CNN article kung saan may interview sa EAMC spokesperson at MD nila na, yes may mga patay duon, at umabot daw ng 20 ang pinakamataas, eh 5 lang ang capacity ng morgue nila. As of kahapon, 6 daw ung natitirang unclaimed.

And sabi ng EAMC spox, wala dun sa patay ang validated na COVID-19 positive.

Government Hospital ang EAMC. Hindi na bago jan yang mga istorya ng unclaimed na patay na naiipon. Alam mo ang estado nyan kahit walang Covid-19 eh ganyan ang sitwasyon.



Oo, nanghihingi sila ng mga cadaver o body bags. Kasi nga, dahil walang freezer, kailangan nila DOBLEHIN ang pagbalot sa mga patay. And kaya may sulat kay Senator Bong Go is because INA ANTICIPATE NILA na dadami ang magiging kaso ng unclaimed because of the COVID-19 scare.

Pero ang IG post mo, ano banner image na nakalagay? 10 DEATHS/DAY! Eh jan palang sablay ka na.

Ibabandera mo kausap mo frontliners? Ganun ba yun? Yun na yun? Ganyan kalalim ang quality of work mo?

Again, I need to harp na seasoned journalist ka and you could have treated this story in a most approporiate context, especially in a time na people are very much afraid and paranoid about Covid-19.

Eh what you did is fuel the fear and triggered the hysteria.

Of course, style mo na yan dati pa with your blind items and all, pero naman, iba ang situation ngayon.

Ewan ko Mr Clavio, pero kung akala mo nakatulong ka eh personally, iba ang opinion ko.

Nanggugulo ka.

Respectfully yours,

Mark Lopez"



Source: Mark Lopez

No comments:

Post a Comment