Lawyer and Radio Host on Mass Testing: "As usual, hanap na naman ang butas ang mga kalaban ni Duterte"

Bruce Rivera | President Rodrigo Duterte | CTTO
Mainit na usapin ngayon ang panawagan ng publiko sa pamahalaan na magsagawa ng 'Mass Testing' o mandatory test para sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ngunit nauna ng ipinahayag ng gobyerno na ang pagsasagawa ng 'mass testing' ay depende diumano sa bigat ng pangangailangan at kung may sapat na, na mapagkukunan o 'resources' ang pamahalaan.


A call for Mass Testing | Photo credit to Abs-CBN News
Dahil sa pahayag na iyan, maraming netizens ang nag-react at naglabas ng galit sa social media at iginigiit na kailangan daw ang 'mass testing upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng virus.

Ngunit kung mayroong nagpupumilit sa mandatory testing ay meron din namang mga naniniwala at nakakaintindi na hindi ito prayoridad sa ngayon sapagkat kulang ang bansa ng testing facilities at testing kits.

Mass testing Tweets | CTTO



Mayroon ding naniniwala na ang pagkalat ng panawagan at galit ukol sa 'mass testing' ay galing diumano sa mga kritiko ni Pangulong Duterte, na sadyang naghahanap lamang ng reklamo at maipupukol sa kasalukuyang administrasyon.

President Rodrigo Duterte | Photo credit to the owner
Isa sa naniniwalang pakana ito ng mga kalaban ni President Duterte ay walang iba kundi si Atty. Bruce Rivera, kilalang taga-suporta ng Pangulo, isang radio host at social media influencer.

Ayon kay Atty. Bruce, malamang daw ay nag-hahanap na naman ng butas ang mga kalaban ni Pangulong Duterte at ipinagpipilitan na naman ang mga makasariling paniniwala at pagnanasa.

Narito ang kanyang buong pahayag, Basahin natin:



"MASS TESTING

As usual, hanap na naman ang butas ang mga kalaban ni Duterte. Kulang na kulang daw tayo sa Mass Testing. Marami kasi ang nag-aakala na ang mass test ay LAHAT ng gusto magpatest ay magkakatest.

Impossible yun. Kahit South Korea, Singapore at China ay hindi pa nagagawa yun. Ang ginagawa nila ay pinaigting ang contract tracing na lahat ng kanilang kinasasakupan ay pwede nilang mamonitor ang movement through a mobile app. May batas kasi sila allowing those incursions. Tayo wala.

Ito ang testing protocol natin. Ang mga high risk to exposure ang bibigyan ng Rapid Anti-Body Test. Serologic test ito na sinasabi na may anti-body ang tao. HIndi mataas ang accuracy rate nito hindi naman sinasabi na positive ka talaga kasi pwedeng false positive or false negative or may past infection na gumalingn na. Pag nagpositive ka sa Rapid Test, dun ka na ipapa-swab test for RT-PCR, which is a more accurate gold standard test.

Ito ang problema natin. Kulang pa din tayo ng testing facility at testing kits kasi hindi kaya ng local production gumawa ng madami at nahihirapan tayong bumili ng RT-PCR kasi ang mga bansang tulad ng China ay nagstockpile para sa sarili nilang kunsumo.

Kaya nga targetted testing tayo. Pero bakit mahirap sa mga Pinoy? Ito sisimplehan ko.

Una, takot ang Pinoy na magpacontact trace. Walang magdodownload ng app na StaySafe.PH kasi takot na malalaman ng gobyerno ang galaw nila. So mas mahirap malaman kung sino ang mga nakahalubilo ng mga positive patients for targetted test.



Pangalawa, hindi seryoso ang karamihan ng mga Pilipino sa physical distancing kasi kailangan pa pagsabihan sa gawin yun. At bakit masama itong attitude ng mga tao? Kasi imbes na matatarget natin ang mga pwedeng nahawa, sa daming mga pasaway, na patuloy na sumasaway dahil umano sa pagkukulang ng goberyno, mas lumalawak ang mga kailangan itest. Kulang na nga eh.

Mga kababayan, may pagkukulang talaga ang gobyerno at magkukulang sila kasi walang bansa na may gobyernong perpektong nakakatugon sa lahat. Kaya, kung susuway kayo sa mga protocols dahil sa may kakulangan sa gobyerno, nakakapikon din ang pagiging makasarili ninyo at lahat ng pagsuway ninyo, may justification.

Lahat po tayo nagsasakripisyo. Karamihan nga sa amin walamg natanggap ng ayuda, hindi nakahotel quarantine dahil nagbabayad ng Meralco at renta sa bahay at lahat kami gusto din po namin lumabas ng bahay.

We should heal as one. Shared responsibility ito. Ang makasarili ninyong baluktot na priority sa sariling mairaos ang inyong pagnanasa ay pwedeng ikamatay namin. Kung wala kayong kahihiyan na maging Piljpino sa kapwa Pilipino....Diyos na sanang bahala sa inyo."



Source: Bruce V. Rivera

No comments:

Post a Comment