Radio Host on ABS-CBN: "Tigilan nyo yang drama nyo! You failed epically."

Kapamilya Artists | Mark Lopez Facebook post | Photo credit to the owner
Sa naganap na pagsasara ng pinakamalaking TV network sa bansa dahil sa pag-uutos ng National Telecommunications Commission (NTC) na ihinto ang pagsasahimpapawid nito, pagkatapos mag-expire diumano ang lisensya, tila umulan ng galit at paghingi ng simpatya sa social media ang mga 'Kapamilya'.

Kabila-kabila ang paglabas ng panawagan ng mga artista ng ABS-CBN na nagsasabing handa silang lumaban para sa kanilang kumpanya, ngunit imbis na makakuha ng simpatya ay mukhang hindi pabor at hindi nagugustuhan ng nakararaming Pilipino ang ginagawa nilang pag-iingay online.



ABS-CBN sign off message | Photo credit to the owner
Isa sa nagbigay ng pahayag at pagkadismaya sa mga artista ng Kapamilya network ay walang iba kundi si Mark Lopez, radio host at kilalang Duterte supporter.

Sa kanyang Facebook account, hayagang inilabas ni Lopez ang pagkairita sa napasarang istasyon at sinabing tigilan na ng mga ito ang drama dahil walang ibang may kasalanan sa pag-sasara nito kundi ang may ari at management ng kumpanya.

Bigo din daw ang network sa pag-aakala nitong sila ay mas mataas at mas makapangyarihan pa sa batas.



Kapamilya artists | Photo credit to the owner

Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:

"Madami ang mawawalan ng trabaho? Madaming buhay ang maapektuhan? Kawawa ang Sambayang Pilipino na nakasanayan na kayo?

So bakit hindi nyo inasikaso ang pag renew ng franchise nyo?

Kasi ang yabang nyo eh.

Akala nyo, kaya nyo daanin sa power at influence, at sa paghawak nyo sa mga bayag at leeg ng mga epalitikong nagtaganggol sa inyo ngayon.



Aminin nyo, in-overestimate nyo na you are above the law at kaya nyo malusutan ang issue ng franchise nyo.

Aminin nyo, ang hubris nyo ang may kasalanan na akala nyo you can buy yourself out of your own mess.

Tigilan nyo yang drama nyo at kaputahan ha.

Wala kayo dapat sisihin kundi ang may ari at management ng kumpanya nyo.

You failed epically.



Source: Mark Lopez

No comments:

Post a Comment