"Mamamatay ang Press Freedom kapag Walang Katibayan na hindi pala ang mga Lopez ang May-ari ng ABS-CBN" -Former TV Host

ABS-CBN Executives Gabby and Mark Lopez | Photo credit to the owner
Sa patuloy na kontrobersiya sa naganap na pagsasara ng giant network na ABS-CBN, marami ang naglabasan na balita tungkol sa legalidad kung sino ba talaga ang tunay na nagmamay-ari sa istasyon.

Sa nakaraang pagdinig sa Senado, nabigo daw ang 'network executives' na ipakita at iprisinta ang mga dokumentong hinihingi ng kongreso kaya kinailangan ipagpaliban muli ang 'hearing' upang mabigyan daw ng sapat na oras ang kumpanya at ibang ahensya nito na magsumite ng mga kinakailangang papeles.



President and CEO Carlo Katigbak testifies before a congressional hearing on ABS-CBN franchise renewal | CTTO
Dahil dito, hindi naiwasan ng beteranong mamamahayag at dating TV host na si Mr. Jay Sonza na muli ay magbigay ng kanyang reaksyon at opinyon sa isyu.

Sa isang Facebook post, mapanuyang nanawagan ang beterano sa mga empleyado ng ABS-CBN at sinabing tulungan ang kanilang mga amo na hanapin ang mga papeles at dokumento ng kanilang kumpanya na hinihingi ng kongreso, nang sa gayon ay maibigay na ang prangkisa na kanilang ipinaglalaban.



Jay Sonza | Photo credit to the owner
Tila pabiro din siyang nagsabi na baka mawala ang 'press freedom' kapag hindi napatunayan na ang Lopez nga ang tunay na nag-mamayari ng network.

"Dali, sakololo. mamamatay ang press freedom kapag walang katibayan na hindi pala ang mga Lopez ang may-ari ng abs cbn.", ani Sonza.

Narito ang kanyang buong pahayag:

"PANAWAGAN PO.

Sa mahigit na 11,000 ABS CBN employees. Pakiusap lang, baka pupuwede ninyong tulungan si Chairman Emeritus Gabby Lopez at President Carlo Lopez Katigbak para mahanap kaagad iyong mga papeles at dokumento ng inyong kumpanya.

Mahalagang maibigay kaagad ito sa House Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability para matuloy ang pagdinig sa inyong application for a super broadcast franchise.

Importanteng makatulong kayo sa paghaloghug para matagpuan ang mga nawawala at di matagpuang dokumentong hinihingi ng Kongreso.



Diba nagmamadali kayong makabalik sa free channel (available pa ang Channel 99 UHF) ng mapanood kayo ng 80 million televiewers ayon kay Rep. Aragones ng San Pablo, Laguna.

Kailangang-kailangan na mabigyan kayo ng prangkisa dahil nagkukumahog na si Rep. Atienza at baka kumupas at maglaho na ang mga bulaklak sa kanyang polo kung matatagalan pa ang submission of the much sought after proofs.

Ay sabi nga pala ni Pres. Katigbak hanggang 3 months lang iyong kanilang pasuweldo. Katunayan, next week ilalabas na iyong listahan ng unang sisibakin para samahan ang BUDAKHEL sa labas ng gate sa Bohol at Mother Ignacia.

Dali, sakololo. mamamatay ang press freedom kapag walang katibayan na hindi pala ang mga Lopez ang may-ari ng abs cbn.

Kayo din, baka magwala naman si Megastar at magtatawag sa Secretary of Justice. O di kaya at magmura na naman si Miss Saigon dahil hirap na hirap siyang mahalin ang Pilipinas.

Kapamilya forever, nagtutulungan kayo hindi ba. Please observe social distancing habang naghahanap kayo ng karayom sa gitna ng dayami."


Source: Jay Sonza

No comments:

Post a Comment