Sa Nalalapit na Pagkawala ng TV Plus, Mga Balimbing na Kapamilya Stars Mag-lalabasan ayon sa Sikat na Singer

Jimmy Bondoc | ABS-CBN TV Plus | CTTO
Kilala ang singer na si Jimmy Bondoc bilang isang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon.

Kaya naman isa siya sa nagpakita ng pagsang-ayon at suporta ng ipagutos ng National Telecommunications Commission (NTC) na mapatigil ang operasyon ng higanteng network na ABS-CBN dahil sa nasabing pagtatapos ng franchise nito.



At ngayon ngang pati ang kanilang operating digital television transmission na TV Plus ​set-up boxes ay malapit na din diumano mawala, naglabas ng saloobin ang kilalang singer na pakiramdam niya daw ay nalalapit ng maglabasan ang mga tagapagsalita ng network at babaliktad na ang mga ito.

ABS-CBN Corp. | Phto credit to the owner
"Balang-araw, and very soon, may maglalabasan na mga spokesperson ng biggest network. Sila ay babaliktad publicly.", ani Bondoc.

Nabanggit niya din sa kanyang post na balang-araw ay marerealize ng mga artistang ito, lalo na ng mga nanlalait kay Pangulong Duterte at kanyang mga taga-suporta, na tanging ang Pangulo pala ang kanilang tunay na kakampi at hindi ang kanilang mahal na network.



ABS-CBN Kapamilya stars | Photo credit to the owner

Basahin ang kanyang matinding pahayag sa ibaba:

"Balang-araw, and very soon, may maglalabasan na mga spokesperson ng biggest network. Sila ay babaliktad publicly.

Kahit ang mga pinaka vocal na spokespersons nila, artist man o iba,
kung sakaling talagang matalo na ang network, ay biglang maglalabas ng "horror stories" nila, at kung papaano silang "napilitan ipagtanggol" ang sistema ng network.

Lalabo bigla ang usapan. May mga kilala ako ngayon, tulad ng isang beteranang artista, na biktima ng sistema ng network. A Very Valid claim.

Pero pagdating ng mga hindi totoong claim,
magkaka halu-halo na ang totoong kawawa sa mga balimbing. 

The weeds and the wheat.



Ako po ay hindi kailanman magbubudbod ng asin sa mga bukas na sugat. Pinagdadasal ko lagi ang mga kaibigan ko sa network na apektado ng non-renewal. Ngunit ang nagdulot nito sa kanila ay ang network, hindi ang gobyerno.

Kaya lang ako nagbababala ay dahil nakakatakot isipin na ang mga mismong tagapagtanggol nila ngayon ay, sa isang iglap, maaaring bumaligtad, upang muling yakapin ng sambayanang Pilipino. 

At dahil madalas napapatunayan na maiksi ang alaala ng Pilipino at likas na mapagpatawad, hindi malayong mangyari na ang mga mismong nagmumura at nanlalait ngayon sa mga "dds" ay balang-araw, susuyuing silang muli sa pamamagitan ng kagandahan, tawanan, at iyakan.

Ano ang lesson?
Wala naman.
Panawagan lang sa mga makakaunawa.
Maging mapagpatawad, ngunit wag sana makakalimutin.
Top priority- protect the President.
Sya lang ang totoo niyong kakampi.


S
ource: Jimmy Bondoc

1 comment: